INAABANGAN na ang showing ng musical film na Damaso sa mga sinehan sa November 30 mula sa direksiyon ni Direk Joven Tan.

Ayon kay Direk Joven, bagama’t dobleng trabaho at oras ang ginugol niya sa pagsasapelikula ng isang musical play, it’s worth naman daw lalo na noong nakita at napanood niya ang kanyang obra at pinuri ng lahat ng netizens na nakapanood ng advance screening sa SM Megamall.
“(It’s because)Musical na pelikula, parang dobleng trabaho, siyempre iri-record mo ‘yung mga kanta, tapos iso-shoot mo, so doble effort,” pahayag ng batikang direktor.
Biro pa niya, “Mukhang dodblehin yata ng Regis(prodyuser) ang bayad.”
Saludo siya sa producer na walang tutol sa castings na kanyang napili para sa cast ng Damaso.
Aniya, “Buti naman mababait ang mga producer, even sa mga artista, talagang suportado nila ako. Sa mga cast na kasama, personal kong kinausap halos lahat ng artista, nakipag-text ako, nakipagmiting and with the help of the producers na walang itinapon sa mga (choices) kaya thankful ako na sa kanila ko ginawa itong movie na ‘to,” sambit pa ni Direk Tan.
Maging si Arnel Ignacio na original choice as Damaso, na maraming nag-agree na bagay daw sa aktor ang said character. At nang hingan ng pahayag si Arnel preskon ng Damaso sa 55 Events Place sa pagkakapili ni Direk Joven sa kanya bilang si Damaso?
“Napakalaking budget ng pelikula kung paano ginawa yun (na pinagmukha siyang kalbo)napakanatural,” sabay tawa. Dagdag pa ng komedyante,” Maraming salamat sa Creative System, napakagaling talaga nila. Ang laki ng budget na ginugol para magmukhang natural na wala akong buhok. Ganda, ganda, you should see it,” engganyo ni Arnel.
Anyway, dahil isang musical arranger-writer si direk Joven, bagay sa kanya ang pagkakapili bilang direktor ng nasabing musical film na Damaso.
May ilan siyang komposisyon na kasali sa Damaso, “’Yung mga songs dito, lahat naman ay paborito ko. may sarili silang hugot, gaya ng pagmamahal ni Sisa sa anak at ang pagmamahal ni Maria Clara sa pamilya.”
-ADOR V. SALUTA