PATULOY ang pagkilos ng Games and Amusement Board (GAB), sa pakikipagtulungan sa MPD-RID RSOG, para masawata ang mga illegal bookies na nakasisira sa imahe ng bansa at industriya ng karera.

MITRA: Handa kami.

MITRA: Handa kami.

Dalawang illegal bookies ang sinalakay ng mga operatiba, kabilang ang isang bahay sa Ortega Street, Tondo, Manila kung saan nadakip ang isang kahera at siyam na mananaya.

Ang isa pang illegal bookies ay sa Maria Clara, Sampaloc, Manila na kung saan nadakip ang 1 kahera at 1 mananaya.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Ang mga illegal bookies ay maigting na nilalabanan ng pamunuan ng GAB na pinangungunahan ni Chairman Abraham ‘Baham’ Kahlil B. Mitra at Commissioners Eduard Trinidad at Mario Masanguid.

Ang operasyon kontra illegal bookies ay nasa mandato ng GAB na siya ring ahensya na nagri-regulate sa iba pang mga propesyunal na laro at libangan. Ang mga illegal na patayaan o bookies ay mariing kinukontra ng GAB bunsod ng hangaring protektahan ang industriya ng pangangabayo dahil ang mga bookies ay malaki ang epekto sa kita ng mga legal na patayaan o Off-Track Betting Stations.

Ang mga nahuli ay nasa pangangalaga ng MPD kung saan sila ay sumailalim sa mga prosesong kailangan sa pagsasampa ng kaukulang kaso. Ang mga materyales na nakumpiska ay agarang inimbentaryo at ang mga ito ay gagamiting ebidensya para sa Inquest proceedings.