NAPANATILI ng National University Pep Squad ang kampeonato nang pagharian ang UAAP Season 82 Cheerdance Competition nitong Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

ANG winning form ng NU Pep Squad. RIO DELUVIO

ANG winning form ng NU Pep Squad. RIO DELUVIO

Pinakahuling koponan na nagpalabas, pinahanga ng  Sampaloc-based cheerdancers ang crowd sa kakaibang routine tungo sa pagkuha ng kabuuang 722 puntos para sa ikaanim na titulo sa nakalipas na pitong taon.

"There's no such thing as an easy journey. So for NU Pep Squad, isang mahirap at exciting journey for NU Pep Squad. Lahat siguro ng mga bata is worth it 'yung pinagpaguran," pahayag ni NU head coach Ghicka Bernabe.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

"Marami kaming occassions na na-miss dahil sa pagta-training, marami kaming sinacrifice na events with our family. And ang sabi ko lang sa kanila ay kailangan maging worth it 'yung lahat ng mga araw na na-miss niyo with your families kasi mas masarap umuwi ng champion ka," aniya.

Nakamit naman ng Far Eastern University Cheering Squad sa saliw ng Michael Jackson thrilling performance ang kabuuang 706 puntos para pumangalawa sa laban, kasunod ang Adamson University Pep Squad (658.5).