RECORDING artist na rin ang isang true blooded Noranian na si Gari Escobar at dun sa kanyang press launching album from Ivory Records nito lang nakaraang linggo ay kinanta muna niya sa amin ang kinompose niyang awitin titled Habang Nandito Pa na ewan kung ang naging inspirasyon niya sa pag-awit ay ang kanyang Lodi na si Ate Guy.
Sa kanyang album press launch that day ay ipinamahagi niya sa amin ang kanyang sinulat titled My Journey: The Bridge To The Dream na ang nakasaad ay ang mga sumusunod….
“Napakaraming ups and downs na pinag-daanan ko na ikinaka-depress ko, ang naging outlet ko ay ang pagsusulat ko ng mga kanta, hanggang umabot ng 60plus songs lahat. At may dalawa akong naisulat na para sa kanya (Nora Aunor). Isa pang outlet ko ay ang pagsubaybay ko kay Ate Guy. Dati hanggang sa picture ko lang siya nakakatabi pero masaya na ako nu’n.
“Ang unforgettable thing that I did for Ate Guy as a fan, naging license real estate broker ako nung 1990’s at isa kami sa top brokers ng Moldesk Realty na every month ay tumatanggap ako ng recognition.
“Until one day, may nabasa akong hindi magandang balita about Ate Guy at bf niya that time, nag-worry ako, hindi ako makatulog ng maayos ng ilang araw, I decided to go to her home at East Greenhills and asked her to marry me. Naka-coat and tie pa ako noon, sabi ko sa sarili ko, baka magustuhan na rin ako ni Ate Guy, anyway sariwa pa ako, hahaha!
“May naging Tatay-tatayan ako noon na Chief Of Police sa Bukidnon na nag-advice sa akin: “Gari, siguro dapat magpalit ka ng idol, kasi si Nora Aunor, negative ang vibration sa dami ng mga problema nya.” Hindi ako nakasagot that time. Tulala ako dahil sa isang failed business venture ko at dahil din sa sobrang respeto ko sa kanya.
“Pero nang tanungin ko ang sarili ko, totoo ba na negative ang influence sa akin ni Ate Guy? Hindi, eh. In fact, tumaas ang standard ko at expectation ko sa sarili ko dahil ang katuwiran ko, Superstar ang idol ko, dapat dito sa pinasok ko na to, maging big star din ako, o top performer. Dahil dun ay hindi ako nagse-settle for mediocrity.”
And boom, he’s right! After so many failed business venture now isa na siyang bigtime businessman na may kinalaman sa Health and Wellness products tas isa na rin siyang recording artist-performer na tulad ng Lodi niyang si Ate Guy.
Eh, ngayon niya kayang subukan muli na alukin ng kasal ang Superstar ng bansang Pinas?
Yo, what do you think Noranians Nationwide and Worlwide? If you agree, then spin a win! Yun, oh!
-MERCY LEJARDE