TUMUGON na agad si Dingdong Dantes at ang itinatag niyang Yes Pinoy Foundation, sa panawagan ng mga kababayan natin sa Mindanao, particularly na sa Bansalan, Davao del Sur na naapektuhan ng sunud-sunod na lindol doon. Kaya sa mga nakalap nilang donasyon ng Yes Pinoy Foundation, nag-pack kaagad sila ng relief goods na kailangan ng mga taga-Bansalan, tulad ng bigas, canned goods, water, at mga gamot na kailangan ng mga nasa evacuation centers. Ilan sa mga nag-donate sa kanila ang @megaprimeqquality, @hanaphilippines @kopicophilippines @willyfarmsrice @missrheatan, @cebupacificair, @dongyanatics, @officialdongyanwarrior_phil, @dongdantes @marianrivera.

Nagpasalamat si Dingdong sa kanilang ground partners na sumuporta sa kanila for distribution tulad ng NCIP, Bansalan LGU at Military.

Ginagawa ito ni Dingdong kahit abala rin siya sa taping ng Pinoy adaptation ng action-drama series niyang Descendants of the Sun na sunud-sunod na ang taping schedules nila. Shot in some military camps sa Tanay at Nueva Ecija, hindi pa rin masagot ni Dingdong ang tanong ng mga fans na excited nang mapanood ang serye na first team-up din nila ni Ultimate Actress na si Jennylyn Mercado sa primetime ng GMA 7. Si Dingdong ay si Big Boss at si Jennylyn, si Dr. Maxine.

Directed by Dominic Zapata, kasama rin nina Dingdong at Jennylyn sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis Smith at marami pang iba.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-NORA V. CALDERON