VERY successful ang Dabarkads in Dubai show ng Eat Bulaga na ginanap sa Dubai World Centre in Dubai, UAE last Friday, November 15. Naging hosts nga ng show sina Vic Sotto, Joey de Leon, Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, at sina Pauleen Luna, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, kasama rin ang EB Babes dancers. Kasama rin nila si Mr. Antonio P. Tuviera ng TAPE, Inc.
Siyempre pa ay masayang-masaya ang AlDub Nation (ADN), fans nina Alden at Maine na gusto silang makitang muling magkasama, na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar, from USA, Canada, and Europe na pumuno sa 11,000 sitting capacity. Umamin naman ang aming source working in Dubai, na may mga seats sa general admission na bakante pero para halos mapuno mo ang ganoong kalaking venue, blockbuster na ang show, na hindi mo naman maikakaila sa uploaded videos ng mga nanood at sa Youtube, kung gaano karami ang mga tao.
Nagkaroon din ng chance ang Dabarkads na mamasyal bago sila umuwi. Pero si Alden, na pang-third time na niyang pumunta ng Dubai, ay may isa pa palang work doon, isinabay na ng CEO at publisher ng @xpeditionmagazine ang pictorial ni Alden titled ‘THE ARRIVAL OF THE KING’ “Are you ready for the most ICONIC shoot with our first ever “MALE COVER?” Asia’s Multimedia King @aldenrichards02 in a Royal-themed COUTURE shoot, set in an enchanting, floating diamong-lights Arabian backdrop – with Dubai’s producer to the stars @josh_yugen – CEO and Publisher of @xpeditionmagazine in @furneamato most recent Runway Collection.”
Si Alden nga raw ang first Filipino male actor na naging cover ng Middle East magazine, dalawa pa lamang Filipina celebrities ang naging cover nito, si 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang young actress na si Maymay Entrata.
Wala pang announcement kung may mabibili ba dito sa Pilipinas ng Xpedition Magazine. Wala rin silang pinost pa ng mga shots ni Alden sa kanila.
Sabay-sabay nang bumalik ang Dabarkads ng Saturday evening, November 16, from Dubai kaya Sunday morning narito na silang lahat. Si Alden, dumiretso na ng bahay nila sa Nuvali, at natuwa naman ang mga fans na nakakita sa kanyang naggu-grocery sa S & R, Sta. Rosa, Laguna.
Nakapahinga naman si Alden pagkatapos at kahapon ay nag-report na siya sa taping ng kanyang inspirational drama series na The Gift na sunud-sunod na ang mga pasabog na eksena gabi-gabi. Sa direksyon ni LA Madridejos, napapanood ito pagkatapos ng Beautiful Justice.
-NORA V. CALDERON