HANDA na ang Team Philippines, higit sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa 30th Southeast Asian Games.

Halos dalawang linggo bago ang pagsabak ng Team Philippines sa biennial meet sa Nobyembre 30 sa bansa, humirit ang Pinay belles nang maipuwersa ang All-Filipino championship sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open nitong Linggo sa The Sans by The Bay sa Pasay City.
Sa huli, ang tambalan nina Rondina at Pons – itinuturing stars sa sports sa kasalukuyan – ang namayani laban kina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio, 21-10,21-16.
“Napakahirap na makipagbakbakan sa mga international teams, lalo na’t matatangkad, mas experienced at mas beteranong mga player. Pero mas mahirap na makalabanb mo ang kapawa Pinay sa championship match,” pahayag ng for-time UAAP champion para sa University of Santo Tomas na si Rondina.
“What we did is makakuha kami ng experience. Makaranas kami ng preparation for the SEA Games, okay na kami doon. Hindi namin ini-expect na aabot kami sa Finals. Thankful kami,” aniya.
Sa men’s division, nangibabaw ang nagbabalik tambalan na sina Efraim Dimaculangan at Rancel Varga nang lusutan sina KR Guzmana t Jaron Requinton, 21-12, 21-18.
“Thankful and blessed po. Unexpected ang panalo namin kasi matatangkad pa kalaban namin,” pahayag ni Varga. “Siguro po, swerte itong year na ito sa Team Philippines.”
Namayani naman sina Nationals Edmar Bonono at Jude Garcia kontra
DMM-Thailand 2 tandem nina Chaiphichit Khongin at Chairat Hanrasa, 21-18, 21-15, para kumpletuhin ang 1-2-3 finish ng bansa sa men’s division.
Ang Hong Kong pair naman nina Yeung Wai Yan at Koo Yung Yung ay nagtala ng 22-20, 21-23, 15-13 panalo kontra sa New Zealand duo nina Renei Ursem at Olivia Macdonald para tumapos na third sa women’s division.
Sumabak sa gold medal round sina Rondina at Pons na may malinis na marka.
Kabuuang 20 koponan, walong babae at 12 na lalaki,a ng sumabak sa kompetisyon na nagsisilbing paghahanda para sa biennial meet.
-Marivic Awitan