UMUSAD sa Final Four ang Southeast Asian Games-bound tandem nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, gayundin ang sina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio nitong Sabado sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open at the Sands SM By The Bay.

PAMBATO ng bansa ang tambalan nina Rondina at Pons.

PAMBATO ng bansa ang tambalan nina Rondina at Pons.

Ginapi nina Rondina at Pons ang karibal na sina Kasim Bundit University-Thailand 1’s Pawarun Chanthawichai at Mukdao Suchamnong, 21-16, 21- 12, habang nanaig sina Rodriguez at Gervacio sa 21-14, 21-11 panalo kontra KBU Thailand 2’s Paweena Wong-Aksorn at Duanpen Arsa.

Sasagupa ang Pinay pair laban sa mga matitikas na foreign rivals sa semifinals ng torneo na bahagi ng paghahanda ng koponan sa 30th Southeast Asian Games.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nanaig sina Hong Kong’s Yeung Wai Yan at Koo Yung Yung kina DM Demontaño at Jackie Estoquia ng Sta. Lucia, 21-14, 21-15, habang nakausad sina New Zealand Renei Ursem at Olivia Macdonald kontra Filipinas Mer Jauculan at Gen Eslapor, 21-17, 10-21, 15-12.

Mapapalaban sina Rondina at Pons kina Yan at Yung, habang sasagupa sina Rodriguez at Gervacio kontra Ursem at Macdonald sa hiwalay na semis pairing.

Sa men’s quarterfinals nitong Linggo, umabante sina Edmar Bonono at Jude Garcia ng Philippines kpntra Hong Kong 1’s Kenneth Yun and Matthew Wang 21-10, 21- 16, para makausad sa semifinals.

Makakaharap nila ang kababayan na sina dating UAAP champions KR Guzman at Jaron Requinton, nagwgai laban kina Krung Arbasto at James Buytrago, 21-18, 14-21, 15-7.