KUMANA ng season high 32 puntos si Thirdy Ravena upang pamunuan ang defending champion Ateneo de Manila sa 91-77 paggapi sa University of Santo Tomas para makalapit sa target nilang three-peat nitong Sabado Game 1 ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament Finals sa Araneta Coliseum.
Maagang nadomina ng Blue Eagles ang laban na sinimulan nila sa pamamagitan ng 18-2 run at ni hindi kinakitaan ng senyales na galing sila sa halos dalawang linggong break matapos makamit ang outright finals berth sa bisa ng 14-game sweep ng nakaraang éliminations.
Mula sa 32-17 na bentahe sa first quarter na lumobo pa ng 54-39 sa halftime, di pa nakuntento ang Blue Eagles at lalo pang umagwat sa third quarter hanggang 23 puntos, 66-43.
Ni hindi sila nakuhang kabugin ng Tigers sa kabuuan ng laban na nagpahaba ng kanilang winning run sa 15 games.
Nanguna naman para sa Tigers ang Rookie of the Year na si Mark Nonoy na tumapos na may career best 26-puntos kasunod si Brent Paraiso na may 14 puntos at Season MVP Soulemane Chabi Yo na mayroon lamang 13 puntos.
Kasunod ni Ravena, tumapos naman si Angelo Kouame na may 18 puntos,12 rebounds at 5 assists at SJ Belangel na may 12 puntos para sa Blue Eagles na hinatak ang kanilang record winning streak sa 25 laro. V.A.
“It’s good to get the win, obviously. But we tend to not really see that as a win, but we see that as a first half of basketball and we just get a long halftime break before Game Two,”pahayag ni coach Tab Baldwin.
Nag-ambag si Ange Kouame ng 18 puntos, 12 boards, at limang assists, habang tumipa si SJ Belangel ng 12 puntos.
Makokompleto ng Ateneo ang 16-0 season sweep para sa makasaysayang three-peat sa panalo sa Game 2 sa Miyerkoles sa MOA Arena.
Kumana si Nonoy, season’s Rookie of the Year, ng career-best 26 puntos para pangunahan ang Growling Tigers.
Iskor:
ADMU (91) -- Ravena 32, Kouame 18, Belangel 12, Mamuyac 9, Navarro 6, Mi. Nieto 5, Ma. Nieto 5, Wong 3, Daves 2, Andrade 0, Go 0, Maagdenberg 0, Mallillin 0.
UST (77) -- Nonoy 26, Paraiso 14, Chabi Yo 13, Subido 8, Cansino 4, Abando 3, Concepcion 3, Ando 2, Bataller 2, Huang 2.
Quarterscores: 32-17, 54-39, 76-58, 91-77.
Mga Laro sa Miyerkules
(MOA ARENA)
12 noon – NU vs UST (Women Finals)
2:30 - Awarding Cérémonies
4 p.m. – UST vs Ateneo (Men Finals)