UNTI-UNTI nang nagbubunga ang pakikipagsapalaran ni Ion Perez sa mundong kanyang pinasok, ang showbiz. Nagsimula siyang makilala bilang kuya Escort ng Miss Q and A portion sa It’s Showtime at mula noon napapansing may potensiyal ang sinasabing BF ni Vice Ganda sa hosting at acting sa mga darating pang panahon. To Ion’s surprise at sa kanyang I t ’ s S h o w t ime f a m i l y , h i n d i makapaniwala ang It’s Showtime mainstay sa pagkilala sa kanya bilang ‘Breakthrough Artist of the Year’ mula sa LionHearTV’s RAWR Awards.

Ion

Sa kanyang mensahe sa nakaraang episode ng ‘It’s Showtime” nitong Biyernes, hindi napigilan ni Ion na maging emosyonal, sinabi ni Ion, “Ni sa panaginip, ni sa guni-guni, hindi ko po naisip na mabibigyan ako ng ganito [trophy]. Kaya, Nay, ‘yung kasama mong nagtitinda ng kakanin may award na.” Masaya niyang sambit sa nasabing award.

Maging ang partner ni Ion na si Vice Ganda ay naging emosyonal. Ani Vice, minsan nang sinubukang mag-resign ni Ion mula sa noontime show.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

“Si Ion po ay minsan nang nag-resign dito sa ‘Showtime’ dahil sa sobrang bashing na inaabot niya. Hindi niya kaya. Umiiyak siya lagi sa nanay niya. Sabi niya, magtitinda na lang daw siya ulit ng kakanin sa Tarlac, kaya niya naman daw. Magbabantay na lang daw siya sa palengke.”

Buti na lamang ay kinausap daw ito ng ‘Showtime’ direktor Bobet Vidanes kung kaya tinigil niya ang ginagawa.

Dagdag pa ni Vice, “Simple lang ‘yung ginagawa mo, Ion, pero ang dami mong napapangiti every day.”

-ADOR V. SALUTA