NAKUMPLETO ng National University-Nazareth School ang back-to-back titles nang pasukuin ang top seed Far Eastern University-Diliman, 25- 20, 25-20, 25-23, sa Game Two ng UAAP Season 82 Boys’ Volleyball Finals nitong Linggo sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

NU Bullpups spikers, humirit ng back-to-back.

NU Bullpups spikers, humirit ng back-to-back.

Ito ang ikaapat na titulo ng Bullpups sa nakalipas na limang season.

“Very happy ako kasi naibalik namin yung attitude nila na nawala. From scratch, from almost fifth seed, nakuha pa namin yung title. Nagpeak kami nitong time ng championship,” pahayag ni Bullpups coach Edgar Barroga.

Nanguna si back-to-back Finals Most Valuable Player Mac Bandola sa NU may 15 puntos at 13 attacks.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nag-ambag si Michaelo Buddin ng 17 markers at 14 receptions, habang kumana si Bryan Jaleco ng 10 puntos at anim na blocks.

“Napakabait na bata niyan (Bandola), sumusunod lagi sa program at sa lahat ng sinasabi ko as a coach or as a father. Maganda sa kanya ay hindi siya nawala, napakahumble niya,” sambit ni Barroga .

Nanguna si Season MVP Rans Cajolo sa FEU na may 10 puntos