Nagsimula ang 18th Congress of the Philippines nitong Hulyo, 2019, na ang lahat ng 300 miyembro ng House of Representatives ay inihalal sa mid-term elections noong Mayo, 2018, kasama ang 24 na miyenbro ng Senato, na ang kahati ay inihalal noong Mayo at ang kalahati ay ipinagpatuloy ang kanilang termino mula sa 17th Congress.
Walang malakas na partido sa bansa simula nang isinantabi ang mga partidong Liberal at Nacionalista nang iprinoklama ang martial law noong noong 1972. Kaya naman karamihan ng mga miyembro ng House of Representatives sa bagong 18th Congress ay mga lokal na lider na nagwagi sa kanilang sariling diskarte o katuwang ang mga lokal na kaalyado. Ang ilan ay Liberal at Nacionalistas – ang mga lumang partido – ngunit marami ang kabilang sa samu’t saring mga partido – ang Lakas, PDP-Laban, Nationalist People’s Coalition, National Unity Party, Laban ng Demokratikong Pilipino, atbp., kasama ang ilang several party-list representatives at ilang independents.
Sa halu-halong membership, wala ni isa sa bagong House ang mayroong sapat na suporta para maihalal na Speaker. Kaya naman hiniling kay Pangulong Duterte na tumulong at nagpanukala ng compromise solution – si Taguig Nacionalista Rep. Alan Peter Cayetano para sa unang 15 buwan at si Marinduque PDP-Laban Rep. Lord Allan Velasco para sa nalalabing 21 buwan. Third aspirant si Leyte Lakas Rep. Martin Romualdez, ang nahalal na majority leader.
Apat na buwan na simula nang mag-umpisa ang nasabing kasunduan ngunit ngayon ay sinasabi Speaker Cayetano na bukas siya sa pagsasantabi sa compromise arrangement at patuloy na magsisilbi bilang speaker. Ngunit iginiit ni Congressman Velasco na “an agreement is an agreement” at dapat na sundin.
Nasa House of Representatives ang pagpapasya sa isyu. Ang tanging dahilan kaya nakialam si Pangulong Duterte sa simula ay tugon sa kahilingan mula sa hati at walang pinuno na House noong Hulyo. Kailangan na ngayon mag-isip ni Speaker Cayetano kung papaano niya makapagpapatuloy kasama ang kanyang Nacionalistas at ilang kaalyado, upang maisantabi niya ang kasunduan na makihati ng termnino kay Congressman Velasco ng PDP-Laban, ang sariling partido ng Pangulo.
Kung mailulusot ito ni Cayetano, maaaring magkaroon tayo ng mas solidong House of Representatives katulad ng pinamunuan ni dating Speaker Jose de Venecia, Jr. na episyenteng kumilos ilang dekada na ang nakalipas bilang kasangga ng administrasyon at nakapagpatibay ng napakaraming mahahalagang batas na patuloy na pinamamahalaan ang operasyon ng ating bansa sa kasalukuyan.
Ngunit sa ngayon, tila hindi pa ito sigurado, dahil sa kawalan ng solidong Kamara. Ito ay dapat na maghikayat ng mga pagsisikap na palakasin ang ating mga partido upang mas epektibo itong gumana sa pamamagitan ng paghalal ng may kakayahang mga opisyal na magpapatakbo sa gobyerno.