MAGKAKAROON ng Chinese language remake, ang pelikula ni Jun Lana, ang Ang Babaeng Allergic sa Wifi.

ang-babaeng-allergic-sa-wifi-movie-poster

Ito ang inanunsiyo ng Direk Jun sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules.

“So happy that finally we closed the deal for a Chinese language remake of #TheGirAllergicToWiFi (#AngBabaengAllergicSaWiFi)! I wonder who will be the Chinese versions of @sueanna_dodd @Hashtag_Jameson #markuspaterson #angelisaño,” tweet ni Jun.

Teleserye

Karina Bautista, kinatatakutan na dahil sa 'Maguad siblings'

Kuwento ng pelikula ang tungkol sa isang babae na napilitang iwan ang kanyang buhay upang manirahan sa isang liblib na probinsiya matapos siyang ma-diagnosed na may Electromagnetic Hypersensitivity Disorder (EHS).

Nag-debut na kamakailan Ang Babaeng  Allergic sa Wifi, sa Netflix, kung saan bumida dina Sue Ramirez, James Blake, at Markus Paterson.

-Noreen Jazul