Nakatakda sanang idepensa ni Ancajas ang IBF 115-lb crown sa ikwalong pagkakataon labna kay Jonathan Rodriguez nitong Nov. 2 sa Carson, California, ngunit hindi nakakuha ng sapat na dokumento ang karibal.

Ang laban ni Ancajas ay magsisilbing main supporting bout sa promosyon na magtatampok kay Emanuel Navarrete, Mexico’s fastest rising star, sa Auditorio GNP Seguros sa lungsod ng Puebla.

Sa kanyang huling laban, nadomina ni Ancajas ang Japanese mandatory

challenger na si Ryuichi Funai sa Stockton, California, nitong Mayo.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Tangan ni Ancajas ang 31-1-2 marka, tampok ang 21 KOs, habang si Gonzalez ay may 31-2, kabilang ang walong KOs.

“I am ready to defend my world title in front of the great Mexican

fans,” pahayag ni Ancajas, nagdesisyon na manatili sa Redondo Beach para magsanay.

“This is the opportunity I’ve been waiting for. This is my time,” sambit ni Gonzalez.

-Nick Giongco