KAYA ‘NYO?

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

12:00 n.t. -- FEU vs UST (Women Step-ladder)

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

4:00 n.h. -- Ateneo vs UST (Men Finals)

sim2

UMAATUNGAL ang Growling Tigers. Magulat kaya nila ang palaban na Blue Eagles?

Masusukat ang tapang ng University of Santo Tomas Tigers sa pinakahihintay na pakikipagtuos sa top seed at reigning titlist Ateneo Blue Eagles sa Game 1 ng kanilang best-of-three title match para sa UAAP Season 82 men’s basketball ngayon sa Araneta Coliseum.

Tinaguriang ‘Cinderella’ sa prestihiyosong collegiate league matapos masilat ang twice-to-beat na No.2 seed University of Santo Tomas sa stepladder semifinals, target ng Tigers, sa pangunguna ni Aldin Ayo na maitala ang bagong kasaysayan sa liga.

Nakatuon ang pansin ng lahat sa Tigers kung kaya’t mabilis ang pahayag ni Ayo hingil sa posibleng pagre-relax ng Batang Espana.

“Wala pa kaming na-aachieve. We haven’t achieved anything yet. That’s what I told the players after the game. Well, they were celebrating,” pahayag ni Ayo.

“Nakita ko lang ‘yung celebration… Medyo nag-worry ako ng konti kasi ayaw ko makita ang ganung celebration na mukhang silang nakukunteto eh,” aniya.

Sa mga pinagdaanan nilang paghihirap para paghandaan ang laban ngayong season, para kay Ayo, hindi sapat ang pag-abot nila hanggang Finals.

“Of course, we are grateful that we reached this far, but this is not our main goal. Talking about Finals appearance, well, it’s all about passion, passion sa laro. Walang problema ‘yung magtrabaho na magtrabaho because I love what I’m doing. I always tell my coaching staff, hindi pwedeng puro passion e. Although nandun ‘yung passion, sabi ko ‘yung mga bagay na mahihirap, kahit walang balik, you just have to keep on working hard,” aniya.

“If you just put on the work, kahit anong mangyari, at least walang regrets.”

Kung determinado ang UST, hindi matatawaran ang paghahanda ng Ateneo, umusad sa championship round matapos walisin ang 14-game double-round elimination.

"We understand that this is a significant accomplishment for a basketball team - to go through a season undefeated," sambit ni Ateneo coach Tab Baldwin. "But our job is far from done and, in fact, it's going to be harder."

Marivic Awitan