PUNTIRYA nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons na mabigyan ng karangalan ang bansa sa kanilang pagsalang sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open simula kahapon sa The Sands SM By The Bay.

NAKAATANG sa balikat nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang kampanya ng Team Philippines sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open na nagbukas kahapon sa Sands SM By The Bay sa Pasay City.

NAKAATANG sa balikat nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang kampanya ng Team Philippines sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open na nagbukas kahapon sa Sands SM By The Bay sa Pasay City.

Kabuuang 20 koponan ang sa sasabak sa torneo na libreng mapapanood ng sambayanan.

“Siyempre, it’s for the experience and preparation for the Southeast Asian Games. We are very excited,” pahayag ni Rondina, four-time UAAP champion mula sa University of Santo Tomas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit naman ni Pons, kasangga ni Rondina sa FIVB Beach Volleyball World Tour 1-Star nitong Mayo sa Boracay, na bahagi ang torneo sa kanilang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa simula sa Nobyembre 30.

“Nakakatuwa na nalaman namin na may liga na may mga international teams na pupunta kasi kailangan namin ng exposure. Sobrang beneficial,” ayon kay Pons. “Everyone knows kung paano kaming maglaro as SiPons tandem so we will do our best,” aniya.

Sasabak din sa SEA Games na gaganapin sa Subic Tennis Courts sina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez.

Mapapalaban sila kina Thailand’s Parawun Chanthawchai and Mukdao Suchamong, and Paweena Wong-aksorn and Duanpen Arsa, and New Zealand’s Renei Ursem and Olivia MacDonald.

Ang iba pang Pinou sa torneo ay sina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng reigning UAAP champion University of Santo Tomas, at sand court veterans DM Demontaño at Jackie Estoquia ng Sta. Lucia.