IPAHAHAYAG ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kahandaan ng atletang Pinoy sa lalargang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Inaasahang malilinaw ang iba pang isyu hingil sa hosting ng bansa sa biennial meet sa pagbisita ni Ramirez, tumatayo ring Chief of Mission ng Team Philippines, sa SCOOP On Air Forum ngayon.
Target ng bansa na muling makamit ang overall championship na huling napagwagihan noong 2005 edisyon na ginanap din sa Manila. Batay sa naging resulta ng pagsabak ng mga atleta sa international tournament, may kakayahan ang Team Philippines na makasikwat ng 100 gintong medalya.
Makakasama ni Ramirez sa lingguhang programa si Lester Castillo, Nestle Philippines’ Milo Sports Director, isa sa matagal ng ‘Godfather’ ng Philippine sports.