SINIMULAN na ng Senado ang plenary sessions nito sa National Budget bill nitong Lunes sa mga panukala na taasan ang pondo sa ilang mga programa ng Department of Education at ng Commission on Higher Education at Departments of Health, Social Services, at Information and Communication Technology. Ang pagtaas ng pagpopondo sa mga programang ito ay magkakaroon ng epekto sa pagtaas ng “compassionate index” ng panukalang batas, sinab ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance.
Ang budget ng Department of Education ay tinaasan ng P6.2 bilyon para suportahan ang patuloy na pag-aaral ng mga estudyante sa senior high school na ngayon ay nasa mga pribadong paaralan gamit ang government vouchers. Popondohan din ng halaga ang pagkukumpleto sa mga pasilidad at kagamitan ng tinatawag na “Last-Mile Schools” set up sa isolated at conflict-affected areas ng bansa.
Ang budget ng Commission on Higher Education ay tataasan ng P8.5 bilyon para sa Student Financial Assistance Program, at P8.5 bilyon pa para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Maglalaan din ang Senado ng P116 na milyon para sa research sa University of the Philippines at iba pang State Universities and Colleges (SUCs), at P167 milyon para sa cash grants ng medical scholars sa SUCs.
Ang Department of Information and Communication Technology (DICT) ay makakukuha ng karagdagang P4 bilyon para sa digital classrooms, workforce, at mga lugar ng trabaho.
Ipagkakaloob ang P9.4-bilyon pondo para tulungan ang mga maralitang pasyente sa mga ospital; at P7 bilyon para sa patuloy na employment ng mga doktor, nurses, at midwives sa mga lugar sa bansa na hindi pa naseserbisyuhan.
Ang budget para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay dadagdagan ng P3 bilyon para sa pagkain ng mga batang nasa Supplementary Feeding Program ng ahensiya para sa mga batang nasa pre-school, kindergarten, at day care centers.
Maaaring makikita ng Senado ang pangangailangan sa dagdag na pondo ng iba pang mga karapat-dapat na pondo para sa iba pang karapat-dapat na mga programa ng gobyerno. Binabalak nito na tapusin ang lahat ngd iskusyon at debate pagsapit ng Nobyembre 20 – apat na araw simula ng ngayon – at pagkatapos nito ay aaprubahan ng Senado ang kanyang bersiyon ng National Budget bill.
Ang mga pagbabago na inaprubahan ng Senado ay tatalakayin sa Bicameral Conference Committee kasama ang House of Representatives. Dito na dapat magkasunod ang dalawang kapulungan sa mga pagbabago na gagawin ng bawat samahan.
Inaprubahan na ng House ang National Budget bill -- tinanggap nang buo ang P4.1-trilyon panukalang budget ng Malacanang na inihain nitong Agosto 29. Ngunit hanggang ngayon, ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mayroon pa ring mga ulat na isusumite sa Bicameral Conference Committee ang isang espesyal na karagdagang P100-bilyon budget item na pinaghihinalaan ni Lacson na maglalaman ng “pork barrel” projects ng congressmen.
Ipinagbabawal ng Constitution ang anumang pagsasama ng mga ganitong bagong item, aniya, ngunit maaaring ipilit ito ng congressmen bilang House amendment para sa consideration sa Conference Committee. Ito mismo ang sitwasyon na naging dahilan ng tatlong buwang pagkaantala sa pag-apruba sa 2019 budget.
Umasa tayo na ngayon pa lamang, magkakaunawaan at magkakasundo na ang ating mga senador at congressmen sa budget. Kung hundi, mauulit ang budget delay noong nakaraang taon na nakaapekto sa buong programa para sa 2019.