ISA pang Filipina figure skater ang nagbigay ng karangalan sa bansa nang magwagi sa Skating Institute Asia Championship Series 2019 kamakailan sa Jakarta, Indonesia.

Nagwagi si Katrina Amber Cruz ng apat na gintong medalya at isang silver medal para bigyan ng dangal ang sambayanan sa international tournament.

Nagwagi ang 11-anyos at Grade 6 ng Holy Family Quezon City na si Cruz sa mga events na technical, footwork, Solo Compulsory, Rhytmic Ball, at Surprise, kung saan nakuha niya ang kaisa-isang silver medal.

Sa kabila ng dalawang buwan lamang na paghahanda, nakuha ni Cruz ang panalo buhat sa naturang kompetisyon. kung saan nakatunggali niya ang mga iba pang 400 na atleta buhat sa mga bansang Malaysia, Thaniland at Indonesia.

Nauna rito, naiuwi din ni Cruz ang isang ginto, tatlong silvers at isang bronze medal buhat sa Skate Bangkok noong nakaraang Agosto.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Nakatakda namang sumabk muli ang batang atleta para sa Skate Japan 2020 ngayong Enero at inaasahang mas marami pang medalya ang kanyang maiuuwi buat dito.

-Annie Abad