SISIMULAN ng Philippine basketball team Gilas Pilipinas ang kampanya na maidepensa ang korona sa 30th Southeast Asian Games laban sa Malaysia sa Disyembre 4 sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa opisyal na game schedule na inilabas ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) sa SEAG website ang lahat ng laro ng Gilas ay nakatakda ganap na 8:15 ng gabi.

Matapos ang laban sa Malaysia, pahinga ang Team Philippines, bago harapin ang Vietnam sa Disyembre 6 (Biyernes) kasunod ang Myanmar sa Disyembre 7 (Sabado).

Magkakasama sa Group B ang Indonesia, silver medalist sa 2017 edition, bronze medalist Thailand, Singapore at Cambodia.

Batay sa format, ang mangungunang dalawang team sa bawat grupo matapos ang group play ay sasabak sa crossover semifinals na nakatakda sa Disyembre 9. Magtutuos sa gold medal match sa Disyembre 10 ang magwawagi sa crossover semifinals.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Isasabak ni National coach Tim Cone ng Barangay Ginebra ang all-PBA team sa SEA Games.