HUWAG nang magmukmok, mapapanood na muli ang paboritong koponan sa National Basketball Association sa pagbabalik ng aksiyon sa telebisyon.

Ipinahayag ng NBA Philippines nitong Miyerkoles na muling ipalalabas ang NBA tuwing weekend simula sa Nobyembre 16 sa national free-to-air channel CNN Philippines.

Ang mga piling NBA games ay isasahimpapawid ng CNN Philippines, habang ang ibang highlights ng paboritong liga ay ipalalabas naman sa mga programa ng network kabilang ang Sports Desk at News Night.

“Weekends just got better with the return of live NBA games on national television through CNN Philippines,” pahayag ni NBA Philippines Managing Director Carlo Singson. “Filipino fans now have a choice of watching our games across a variety of platforms including television, computers and mobile devices via social media and NBA League Pass.”

Narito ang kompletong iskedyul ng mga laro ng NBA sa CNN Philippines sa kabuuan ng Nobyembre: Sabado (Nov. 16) - 11:30am - BOS @ GSW; Linggo (Nov. 17) - 8:00am - MIL @ IND; Sabado (Nov. 23) - 11:30am - HOU @ LAC; Linggo, (Nov. 24) - 10:00am - NOP @ UTA;Sabado (Nov. 30), 10:00am - DAL @ PHO.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Mapapanood ang CNN Philippines sa free-to-air television sa Channel 5 (Zamboanga), Channel 8 (Bacolod), Channel 9 (Manila, Cebu at Davao), at Channel 12 (Baguio), habang ang cable subscribers ay pinaaalalahanang makipag-ugnayan s akanilang local providers para sa channel listing.

Habang nasa negosasyon ang kontrata ng NBA sa BTV at NBA Premium channel, binuksan ang NBA League Pass para mapanoong ang NBA games tampok ang inihahaeng pakete sa watch.nba.com , sa pamamagitan ng pag-download ng official NBA App sa App Store at Google Play.

Inihain naman ng Globe, PLDT at Smart para sa kanilang mga subscribers ang bundle NBA League Pass para sa mobile apps, tampok ang League Pass, Team Choice at 3-Game Choice packages para sa buwanang subscription.

Mapapanood din ng libre ang piling mga laro sa 2019-20 NBA regular-season via livestreaming sa Facebook Watch at Twitter.