ANG post ni Judy Ann Santos na “Napaka good morning!!! Maraming salamat po! Congratulations team mindanao” ay dahil sa Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Mindanao na pinagbibidahan nila ni Allen Dizon.

juday-nitz

First to comment sa Instagram (IG) ni Juday ang mister niyang si Ryan Agoncillo na ang sabi, “Deserve!” Sumunod na bumatin ang mga kapwa celebrity ng aktres sa pelikulang idinirehe ni Brillante Mendoza.

Isa ang Mindanao sa entry sa 2019 MMFF at bago pa ang film festival sa December, umiikot na ito sa iba’t ibang film festival sa ibang bansa. May screening ang movie sa 25th Kolkata International Film Festival in India sa International Competition Innovation on Moving Images category. May dalawang screenings ito sa November 11 at 13.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dinala rin ang Mindanao sa Busan International Film Festival at doon ginanap ang world premiere ng pelikula, at sa Tokyo International Film Festival. Sinabi ng line producer na si Dennis Evangelista na marami pang international film festival ang sasalihan ng Mindanao.

Post ni Judy Ann: “So excited for this!! Maraming first para sa akin sa pelikulang ito...first movie with Direk Brillante Mendoza, first movie to join different film festivals around the world...and first time kabahan ng ganito! But, more than anything... i am beyond grateful to be able to experience working with direk brillante and his whole team...”

Babaeng Muslim ang papel ni Juday at asawa niya si Allen na gumanap bilang isang sundalo. Isa sa conflict ng istorya ang pagkakaiba sa relihiyon.

-NITZ MIRALLES