PINANGUNAHAN ng probinsiyal na pamahalaan ng Ipil, Zamboanga Sibugay ang pagpapailaw sa seromonya nitong Sabado, na senyales ng pagbubukas ng Festival of Lights, na nasa ikatlong taon na ngayon, tampok ang 13 sikat na world theme parks sa mundo.

Gumamit ang Festival of Lights ng tinatayang dalawang milyong LED lights upang pailawan ang nasa 5,000 square meters quadrangle ng provincial capitol.

Nakatayo ang kapitolyo ng probinsiya sa mataas na bahagi ng Barangay Ipil Heights, kung saan matatanaw ang mga bayan ng probinsiya.

Sa isang panayam sinabi ni Gov. Wilter Yap Palma, na layunin ng pista na maitampok ang kakayahan ng probinsiya sa salik ng turismo at pamumuhunan.

“This is one way of showcasing (the potentials) of the province of Zamboanga Sibugay and this is for our people to enjoy not only for Sibugaynons but also for the neighboring provinces,” ani Palma.

Ikinatuwa naman ng mga residente na makita sa Disney-inspired theme parks sina Roger Rabbit, Five & Dime, Peter Pan, Despicable Me Minion Mayhem, Old Mill, Mickey Mouse, Moana, Frozen, Pinocchio, Transformers, Star Wars, Avengers, at ang mga miyembro ng Justice League habang isa isang pinaiilawan.

“Every year, we change themes from around the world, but usually we go Disney-inspired focusing on the interests of children. These were all designed as a replica of the Disneyland theme parks for the people instead of spending dollars visiting these themes in the different countries, they could visit here and enjoy all these structures,” pahayag ni Architect Aristopher Rayat, na siyang nanguna sa architectural works ng proyekto.

Gumastos ng nasa P2 milyon, sponsored ang mga ilaw ng pamahalaan at ng ilang pribadong sektor.

Ayon kay Palma, magbibigay din ang festival ng oportunidad sa mga negosyo hindi lamang sa lokal na mga negosyo ngunit gayundin para sa probinsiya. Itinayo na ang mga commercial stall sa palibot ng capitol grounds, na ayon kay Palma ay libre malaban na lamang na “they were required to maintain cleanliness.”

Wala rin umanong entrance fee na kokolektahin at maging ang kuryente ay libre na rin.

Tinataya namang aabot sa 20,000 katao, kabilang ang mga bisita mula sa mga kalapit na lugar, ang dadayo sa capitol grounds sa pagbubukas ng seremonya, tampok ang isang ceremony 25-minute fireworks display.

PNA