WINALIS ng Stallion Youth Academy ang elimination tungo sa dominanteng 1-0 panalo kontra PCU United para makamit ang kampeonato sa Boys U-15 class ng 21st AboitizLand Football Cup-Luzon nitong weekend sa Aboitiz Pitch sa loob ng pamosong The Outlets sa Lipa Estate sa Lipa, Batangas.

BAHAGI ng grassroots program sa football ang AboitizLand Cup.

BAHAGI ng grassroots program sa football ang AboitizLand Cup.

Nanguna ang Stallion Youth Academy na hindi nakatikim ng kabiguan sa round-robin stage para tampukan ang division na may kabuuang 16 puntos mula sa apat na panalo at apat na draws.

Sa semi-finals, binokya ng Stallion ang Calamba Puppies Team B, 2-0.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagharap naman sa duwelo para sa ikatlong puwesto ang Cavalieri at Calamba Puppies B. Tinanghal na category MVP si Joaquin Buenviaje ng Stallion Youth Academy, habang ang kasangga na si Mikkel De Los Santos ang Finals MVP.

Sa Mixed Open category, kabuuang 11 koponan ang sumabak at hinati sa dalawang grupo. Nanguna sa Group ang University of Batangas matapos walisin ang limang laro, habang kumabig sa Group B ang Schwarz FC ng Don Bosco.

Nagwagi ang UB sa SPC United FC, 1-0, sa quarterfinals, habang umusad sa semifinals ang Schwarz nang maungusan ang Cavalieri FC, 5-4, via penalty.

Nakopo ng Real Molinillo de Lipa, nagwagi sa Mentors FC 1-0, sa semifinaks ang kampeonato lanban sa Kapamilya, 1-0.

Nagharao sa third place ang University of Batangas at Schwarz FC, habang itinanghal na MVP si Jake Martinez ng Real Molinillo de Lipa, habang ang katropa na si Nestor Natanauan Jr. ang Finals MVP.

Gaganapin ang susunod na aksiyon sa Boys Under-19 sa November 16.

Ginaganap ang AboitizLand Football Cup tuwing Sabado at Linggo at tatagal hanggang sa kalagitnaan ng Disyembre. Para sa karagdagang impormasyon hingil sa programa, makipag-ugnayan sa Aboitiz Football Cup’s official Facebook page at www.facebook.com/AboitizLandFootballCupOfficial.