ILANG tambling na lang Southeast Asian Games na. Handa na ba ang atletang Pinoy?

Matutunghayan ang ginawang paghahanda ng mga atleta mula sa cycling, duathlon, sailing at underwater hockey sa kanilang pagharap para sa malayang talakayan sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

TOPSLOGO

Tatampukan nina Ernesto "Judes" Echauz, group chairman ng Standard Insurance Inc. at pangulo ng Philippine Sailing Association at managers ng women's national teams sa cycling at duathlon, at Dennis Valdes, pangulo ng  Philippine Underwater Hockey Confederation at SEAG 2019 UWH competition manager,  ang mga panauhin sa ika-48 edisyon ng programa ganap na 10:00 ng umaga.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Makikiisa rin ang mga siklistang sina Jemyn Prado, Marella Salamat, Ronald Oranza,  at El Joshua Carino sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Kasama naman ni Valdes ang underwater hockey athletes na sina JV Lim, Bem Lim at Christopher Policarpio.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga miyembro at opsiyal ng asosasyon at mga kaibigan sa komunidad ng sports na makiisa sa programa na mapapanood din ng live sa Facebook via Glitter Livestream.