MAY anniversary greetings din si Ogie Alcasid sa years nila ni Regine Velasquez bilang couple. Ang sweet ng anniversary message ni Ogie na sinagot ni Regine.

Ogie at Regine

“Labing anim na taong pagmamahalan at nalalapit na ang ikasiyam na taong nabasbasan ng Panginoon ang ating pagsasama. Ako ay lubos na nagpapasalamat sayo mahal. Ako ay hindi buo kapag wala ka. Ako ay buhay, mulat, at nakikipagsapalaran dahil sa iyong inspirasyon. Ikaw ang lahat sa akin. Ikaw ang aking mahal @reginevalcasid.”

Heto ang sagot ni Regine sa anniversary message ni Ogie: “Naiyak ako baba mahal na mahal kita. Kaya baba bakit naman yan ang picture natin ang pangit ko kaya lalo akong naiyak.”

Karina Bautista, PH navy reservist na

Marami ang natawa sa sagot ni Regine lalo na part na sinabi nitong ang pangit niya sa picture nila na napili ni Ogie na i-post at may paliwanag si Ogie, “@reginevalcasid ang ganda mo nga. I love your face when it is bare. So stunning.”

Hindi ba nakakatuwa ang mag-asawang ito at may halong comedy ang anniversary greetings? Sa December 22, pa ang wedding anniversary nila at tiyak, may mas heartwarming message sila sa isa’t isa.

-Nitz Miralles