ISINAGAWA ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang Pep Rally para sa kanilang workforce upang maihanda ang lahat para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Hinikayat ni House Speaker at Phisgoc Chairman na si Alan Peter Cayetano ang 527 miyembro ng workforce na maitatalaga sa iba’t ibang venues sa Maynila, sa Southern Luzon, sa Subic at sa New Clark City sa Capas, Tarlac na pagsikapan ang pagtatrabaho para sa nasabing biennial meet para sa agumpay nang hosting ng bansa.

"Kung ano ang ating itatanim, yun ang ating aanihin. We worked so hard for more than a year, itanim po natin itong SEA Games and the coming years and decades aanihin ng ating mga young athletes at next generation ito,’’ pahayag ni Cayetano.

Bagama’t sa Nobyembre 30 pa ang opening ceremonies ng naturang biennial meet, sisimulan naman ng maaga ang mga laro ng na nakatakda sa Nobyembre 22 habang ang men’s football, netball at floorball naman ay magsisismula sa Nobyembre 25.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat sa mga bumubuo ng workforce ng PHISGOC si Ramon Suzara na siyang Chief Operating Officer ng nasabing organisasyon.

``We appreciate your work. This (pep rally) is to celebrate you. We are all part of history,’’ ani Suzara.

Ang nasabing hosting naman ng 30th SEA Games ay suportado ng Platinum sponsors na Ajinomoto, Philippine Amusement and Gaming Corporation, MG Cars, Philippine Airlines, Skyworth at CooCaa.

Ang mga gsld Sponsors naman ay ang MasterCard, Milo, Pocari Sweat, NLEX, PInco at Razer habang ang tinatawag na preferred sponsors naman ay ang Asics, SM Lifestyle Inc. and BMW. Prestige - Molten at Mikasa.

Ang mga katuwang naman na Bangko ay ang Chinabank at PNB habang ang magsisillbing mga Media Partners ay ang Bombo Radyo, Star FM at ang Inquirer Group, CNN, United Neon at ang DOOH.

Ang Host Broadcaster ay ang NEP. Official Broadcaster habang ang Sports and Action, TV 5, Cignal, ESPN at PTV 4 ang mga official broadcasters para sa nasabing coverage.

-Annie Abad