DAHIL sa pagiging avid fan ni Ms Juvy Avellanosa kay Vina Morales ay kumuha siya ng franchise ng Ystilo Salon at ipinuwesto niya ito sa West Drive, Marikina Heights na nagkaroon ng launching nitong Biyernes, Nobyembre 8 at siyempre, special guest ang singer/actress.

Ayon kay Juvy nu’ng natapos ang kontrata niya bilang franchisee ng isang convenience store ay wala siyang maisip kung ano ang isusunod niyang negosyo na sisimulan.

Hanggang sa naalala niya ang Ystilo Salon na pag-aari ng idolo niyang si Vina at nakipag-ugnayan na siya sa ate ni Vina na si Sheila Magdayao, operations manager kung paano ang gagawin.

Tinanong muna namin kung ano ang nagustuhan niya sa singer/actress, “magaling po kasing kumanta. Lagi ko siyang pinapanood pa noong nasa Channel 7 siya hanggang sa lumipat na sa ABS (CBN),” sambit ni Ms Juvy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakausap namin ang bagong franchisee ng Ystilo ay wala pa si Vina at nang magkita na sila sa ikatlong pagkakataon ay wala nang masabi si Juvy at hiyang-hiya na.

Laking pasalamat naman ni Vina sa bago nilang franchisee dahil wala pa palang Ystilo sa Marikina Heights.

“Wala pang branch po dito sa Marikina West Drive kaya sa lahat ng mga taga-Marikina, San Mateo at Montalban, hayan nandito nap o at may promo kami like 30 percent discounts po, just look for Ms Juvy,” sabi ni Vina.

Tinanong namin si Vina kung ano ang nararamdaman niya dahil avid fan siya ng bago nilang franchisee.

“Nakakatuwa nga kasi nasusubaybayan daw niya ako, at ang family niya ay gustong magtayo ng salon at dahil mahilig din naman silang magpaganda kaya sakto naman itong Ystilo at matutukan niya.

“Thankful ako kasi sa dinami-rami ng salon na puwede niyang i-franchise ay Ystilo Salon ang napili niya and were looking forward talaga na to really partner with them and we want also na dumami pa ang branch ni Juvy bago matapos ang 5 years contract,” saad ni Vina.

Speechless naman si Juvy habang nagsasalita si Vina at walang ginawa kundi tumawa ng tumawa.

“Kinakabahan po kasi ako, hindi ako sanay (interbyu),”sambit ng fan ni Vina.

Nabanggit din ni Vina na lahat ng franchisee nila ay tinuturuan nilang maggupit, mag-ayos ng buhok, mag-make-up para in case na magka-problema ay alam nila ang gagawin.

Samantala, kababalik lang ni Vina galing ng Japan kasama ang anak na si Ceana (10 years old) at enjoy na enjoy daw ang bagets sa malamig na klima ng nasabing bansa.

“Enjoy na enjoy si Ceana, ayaw umuwi, sabi ko, ‘anak may school ka pa’ and she really likes Japan kasi malamig pa ang weather that time and gusto niya ang Disney sea and then naaliw siya, nagpabili ng Lolita dress kasi when you’re in Japan, nagde-dress up ‘yung mga tao ro’n, eh

“Sabi niya, ‘mommy you have to buy me this Lolita dress’ ginugel ko kasi hindi ko alam, ito pala ‘yung princess, maraming clips dito, hair accessories, girl na girl. Sabi niya, ‘when you’re in Japan, you have to wear Lolita dress.’ “It’s her dream daw to wear, so excited siya,” kuwento ni Vina.

Tsinek din namin kung ano itong Lolita dress na binabanggit ng anak ni Vina ay para pala itong damit ng manyika.

-REGGEE BONOAN