ISA pang malakihang labanan ng mga pambatong panabong ang pumagitna simula nitong Linggo sa World Pitmasters Cup (WPC) 9-Stag International Derby 2-Stag Elimination round sa Resorts World Manila.

SENELYUHAN ang paglulunsad sa World Pitmasters Cup International Derby sa tradisyunal na ‘patuka’ kamakailan sa Resorts World Manila.

SENELYUHAN ang paglulunsad sa World Pitmasters Cup International Derby sa tradisyunal na ‘patuka’ kamakailan sa Resorts World Manila.

Kinikilala bilang pinakamalaking derby event sa mundo, kabuuang 333 kalahok ang maglalaban para sa kampeonato na may nakalaaang kabuuang premyo na P40 milyon.

Target ng Senyorita Bulljack DMCA entry nina Jepoy, Bulljack at breeder Allan Vicencio ang back-to-back title matapos ang matagumpay na kampanya nitong  September 2019 World Pitmasters Cup.

Kabilang sa malalaking pangalan sa mundo ng derby na sasabak sina World Pitmasters Cup promoters Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Ako Bisaya Party-List Rep. Sonny Lagon, RJ Mea and Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza, sa prestihiyosong torneo sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila.

Politics

Habang nagtatago: Sen. Bato, nagkasa ng mga panukalang batas sa Senado

Apat na 2-Stag elimination round ang gagawin simula November 10-13 (Sets A-D). Matapos ang isang araw na pahinga, sasalang ang isang araw na 220 k Pot Money 7-Stag Big Event sa November 15.

Ang mga qualifiers ay nakatakdang sumabak sa 3-Stag Semi-Final rounds sa November 17 para sa Set A, November 18 para sa Set B, November 19 sa Set C at November 20 sa Set D.

Sa  November 22 gaganapin ang 4-Stag Pre-Final round para sa mga entries na may iskor na 3 at 3.5, habang ang Grand Finalists para sa mga iskor na 4, 4.5 at 5 points ay maglalaban-laban para sa World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby sa November 23.

Ang pot money ay P88,000 para sa minimum bet na P55,000. Ang International Derby weight limits ay 1.7 hanggang 2.2 kg.

Tanging mga  Bakbakan, PFGB-Digmaan at Salpukan banded stags ang pinapayagan na lumahok, habang ipinagbabawal ang mga Hennies, Local at Early-Bird banded stags.

Itinataguyod ang November 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby ng Resorts World Manila, kaagapay ang Thunderbird, THOR MP Wash, Excellence Poultry and Livestock Specialist, VNJ Distributors at  Experto Gamefowl Products. Kinikilala rin ito ng Games and Amusements Board.