MUKHANG siniguro muna ni Anne Curtis na preggy na nga siya bago siya nag-post sa kanyang Instagram wall last Sunday, November 10. “I think you should know something... Another reason to love November... @erwan.

Solenn at Anne

Sa post ni Anne may musical video pa ito ng Nothing’s Gonna Hurt You Baby by @cigsaftersix. At sila ni Erwan ang nasa video.

Umani ng more than 44 thousand comments ang post ni Anne.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Sinundan naman agad ito ng post ng sister-in-law ni Anne na si Solenn na magkasama sila at kita na ang malaking baby bump ni Solenn at ang baby bump din ni Anne, na malamang daw ay more than four months na ito. Hindi kasi sinabi ni Anne kung ilang months na siyang preggy. Solenn is now seven months preggy.

@solenn 4 humans in a photo. Happy to grow with you @annecurtissmith

Nakakuha ng more than 844 thousand views ang post ni Solenn at almost 14 thousand comments mula sa mga friends at mga kasama nila sa showbiz, both from the Kapamilya at Kapuso networks, na masayang-masaya para sa maghipag.

Habang nagde-deadline, may 2,244,957 likes na ang video post ni Anne na kung saan, indirectly na inaming pregnant na sila ng husband niyang si Erwan Heussaff. May 40,379 comments na rin, patunay kung gaano karami ang nag-likes at nagku-comment sa magandang balitang ito.

Wala pa uling post sa Instagram (IG) si Anne, pero si Solenn Heussaff nag-post ng photos nila ni Anne at makikitang malaki na ang tiyan ni Anne. Ang hula ng netizens, five months preggy na si Anne at ‘yun daw ang ibig sabihin ng 5/9 caption ni Erwan. Pero, ano ‘yung nine sa caption?

Ang cute ng caption ni Solenn sa photo nila ni Anne na “4 humans in a photo:) happy to grow with you @annecurtissmith.”

Aliw din ang comment ni Nico Bolzico, ang husband ni Solenn at bayaw ni Erwan na “Please have a boy so he can take care of our baby girl when they go out.”

-NORA V. CALDERON