KABUUANG 600 kabataan ang nabigyan ng pagkakataon na makapaglaro sa pangangasiwan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Institute (PSI) sa isinagawang Children’s Games kamakailan sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at Banaybanay, Davao Oriental.
na bala at volleyball net mula sa PVF grassroots development outreach programa sa
Enrica Sandico Elementary School, sa pangagasiwa ni Ms. Marivic T. Pamintuan. Sa
pamumuno nina PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada at Chairman Mikey Arroyo,
patuloy ang pagpapadala ng suporta ng asosasyon sa mga eskwelahan maging sa
malalayong lalawigan at bayan sa Mindanao.
Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ I. Ramirez, ang programa na kinikilala ng UNESCO ay bahagi ng programang isinusulong ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.
“We have visited provinces which have never been visited by the PSC or any other sports program before,” pahayag ni Ramirez.
“Lubhang napakahirap ng daan pa-JAS kung saan mula Davao City ay tinahak ng PSC Mindanao staff sa pamumuno ni program coordinator Cholo Elegino ang tatlong ilog upang maabot ang munisipalidad na may layong 229 kilometro at may pitong oras na biyahe buhat sa Davao City.
Kahiot malayo, isinagawa ang programa para mapaglingkurang ang mga kabataan at madama ang pagpupuri ng pamahalaan.
Nagsagawa rin basketball clinic sa 20 papaangat na dribblers habang ang beteranong coach na si Mario Mojica ang nagdaos ng volleyball clinic.