NGAYONG araw, Nobyembre 11, ipinagdiriwang ang pistang araw ni Saint Martin of Tours, ang patron ng mga sundalo at ng bansang France.

Tradisyunal na nagtutungo sa national shrine of Saint Martin of Tours sa kanyang burial site sa France, ang mga deboto, peregrino at iba pang mga turista, para sa banal na misa at espesyal na panalangin.

Sa bansa, isang misa bilang pagpupugay sa kanilang patron santo ang isinasagawa sa Taal, Batangas; Bocaue, Bulacan; at Dumalag, Capiz.

Ipinanganak sa Hungary noong 316, pumasok si St. Martin sa militar sa edad na 23. Matapos niyang umalis sa serbisyo, nagsimula siyang mangaral sa bahagi ng Europa at bininyagan ang libu-libong tao. Sa Italy, tinatawag siya bilang “Glory of Gaul.”

Taong 371, nahalal si St. Martin bilang Obispo ng Tours, France kung saan siya nagtayo ng monasteryo, nagturo sa mga pari, giniba ang mga templo ng pagano, at partikular na binigyan ng pansin ang pagbibinyag sa rural population.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis

Maraming milagro ang ikinakabit kay St. Martin mula ng mamatay ito noong 397, dahilan upang maging isa siya sa pinakasikat na santo sa Romano Katolikong Simbahan.

-CHRISTINA I. HERMOSO