Ni Edwin Rollon

NAGLULUKSA ang komunidad ng Philippine sports sa pagpanaw ni Lucio ‘Bong’ Tan Jr. – napatanyag hindi lang sa negosyong taglay ng pamilya bagkus sa suportang inilaan sa sports, partikular sa golf, basketball at volleyball.

Sa edad na 53, aktibo si ‘Kuya Bong’ – tawag ng malalapit na kaibigan – sa paglalaro ng basketball, bukod sa kanyang hataw sa golf course kasama ang kaibigan at golfing coach na si dating National champion Gerald Cantada.

MANANATILING buhay sa ala-ala ni golf champion at volleyball official Gerald Cantada ang masasayang panahon na nakasama ang sportsman na si Bong Tan, Jr.

MANANATILING buhay sa ala-ala ni golf champion at volleyball official Gerald Cantada ang masasayang panahon na nakasama ang sportsman na si Bong Tan, Jr.

National

Sen. JV, nag-react na bukas si PBBM sa reconciliation sa mga Duterte

Ang pagkakaibigan ay naging daan para maitatag ang El Kapitan golf championship sa Wack Wack Golf and Country Club – bilang pagpupugay sa ama na si Lucio Tan Sr. – gayundin ang pagbibigay halaga sa mga pakners ng PAL holdings at iba pang bahagi ng mga negosyo ng pamilya Tan.

Bilang secretary general ng Philippine Volleyball Federation (PVF) naisakatuparan ng volleyball association sa pangunguna ng ama na si Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang malawakang grassroots sports outreach program ng PVF sa tulong na Tanduay Athletics ni Tan.

“Parang anak na rin ang turing ko kay Bong (Tan). Through the years na magkasama sila ni Gerald hindi nawala sa kanya ang pagtulong sa sports,”pahayag ni Cantada.

“I would like to remember you in happier times. So long my ‘other son’ Bong,” aniya.

Pumanaw si Tan dalawang araw matapos mawalan ng malay sa kasagsagan ng paglalaro sa inter-department tournament.

Binuhay niya sa kamalayan ng masang basketbolista ang Tanduay nang isabak sa nabuwag nang Philippine Basketball League (PBL) noong 1995 matapos mabili ng pamilya ang kompanya sa Elizaldes.

Dala ang brand name Stag at sa pangunguna ni coach Alfrancis Chua, naitala ng Pilseners ang unang grand slam championship sa matikas na laro ng koponan na pinagbibidahan noon nina Marlou Aquino at Bal David.

Tumuntong sa PBA ang prangkisa noong 1999 at nakagawa ng pangalan kasabay sa pagusbong ng mag star players tulad nina dating MVP Eric Menk, Jason Webb, Pido Jarencio, Mark Telan, Chris Cantonjos, Bobby Jose, Jorge Gallent, Jome Rubi at Sonny Alvarado.

Umalis sa liga ang Tanduay noong 2002.

"It is with deep sorrow that I announce the passing of my brother, Lucio "Bong" Tan, Jr. this morning, November 11, 2019. He was 53. His untimely passing leaves a big void in our hearts and our Group's management team which would be very hard to fill. Bong was a son, husband, father, friend and, most importantly, our elder brother whom we all relied on for advice, counsel and leadership. He is survived by his wife Julie and sons Hun hun (Lucio Tan III) and Kyle Tan. Our sincerest thanks to all who offered prayers and shared words of comfort during this hour of grief. Our family continues to request everyone to respect our wish for privacy as we go through this very difficult time. We ask for your prayers for the eternal repose of his soul. Wake details will be announced soon," pahayag ng kapatid ni Bong na si Vivienne K. Tan.