HALOS hindi makapagsalita si Carlo Aquino sa sunud-sunod na tanong sa kanya ng entertainment media sa pangunguna ng tinaguriang Dean of Entertainment press na si Manay Ethel Ramos tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban.

Pagkatapos ng presscon ng Bagman Season 2 ay na-corner ng ilang press ang aktor at ang unang tanong sa kanya ay kumusta na sila ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.
Kaagad namang sinagot ni Carlo na nagbatian sila ng ‘hi and hello’ sa ginanap na ABS-CBN trade lunch.
Aniya, “Hindi ko po kasi kaagad nakita siya (Angelica) kasi may kasama po ako.”
Tinanong ni Manay Ethel, “babae o lalaki kasama mo?”
Nagulat si Carlo at napangiti na lang kaya inaasar siya ng ibang katoto na hindi pupuwedeng hindi niya sagutin ang mga tanong dahil si Manay Ethel ang host ng mga sandaling iyon.
Naaliw ang aktor at sabay sabing, “Ang galing talaga ni Manay (sabay tawa at palakpak.”
Humirit kami ng tanong sa aktor kung pinaasa lang niya ang dating karelasyon na magkakabalikan sila.
Sabi rin ni Manay Ethel, ‘oo, sobra mo bang pinaasa?’
Nagtawanan na naman ang lahat dahil basag na basag si Carlo sa mga tanong.
“Ayoko na lang pong magsalita kasi minsan kapag nagsasalita ako mas lumalalim ‘yung nangyayari, mas nagkakaroon ng sama ng loob kaya hangga’t maari ‘wag na lang nating o mas importante sa akin kung makakausap ko siya ng personal kaysa kung saan-saan (nababasa),” malumanay na sabi ng binata.
Dagdag na tanong ulit kay Carlo, ‘may effort ka bang kausapin?’
“Ngayon po, busy ako, busy siya, so wala pang (time),” katwiran nito.
At ang seryosong tanong ni Manay Ethel, ‘baka naman kasi kinonsider mo siyang excess baggage?’
Hagalpakan ang lahat kasama na si Carlo na napapikit sa kakatawa at sabay (muwestra), “Whoop! Pasok. Hindi po, hindi. Siguro po mas maganda kung mag-uusap na lang muna kami.”
Pati ang pagiging blooming ni Carlo ay napansin din ng ilang press pero si manay Ethel lang ang naglakas ng loob na tanungin, “ang guwapo mo ngayon, nag-Belo ka ba?
Nawindang ulit ang aktor at sabay sabing, “Beautederm po ako.”
May pag-asa pa bang magka-trabaho sina Carlo at Angelica.
“Pag nahilom na lahat po, basta mag-uusap na lang po kami,”say ng aktor.
Usaping Bagman 2 ay si Carlo ang kontrabida at siya ang kalaban ni Arjo Atayde na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre 13 sa iWant sa karakter na Ernan at isang matinding Hitman.
Kaya pala lumaki ng bahagya ang katawan ni Carlo dahil pinaghandaan niya ang digital series at nabanggit niyang natamaan niya si Arjo dahil sa matitinding fight scenes pero wala namang pikunang nangyari at sa katunayan ay hindi na naalala pa ng huli iyon.
Ngayong gabi, Martes ang celebrity screening ng Bagman 2s sa Santolan Town Plaza sa ganap na 6PM.
Kasama rin sa Bagman 2 sina Irma Adlawan, Rez Cortez, Joel Saracho, Mon Confiado, Rollie Inocencio, Menggie Cobarrubias, Chanel Latorre, at Rosanna Roces. Ito’y sinulat at idinirek ni Shugo Praico produced ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment for iWant.
-REGGEE BONOAN