LAMAN pa rin ng mga balita ang inflation ngayong taon, tulad noong nakaraang taon—ngunit may malaking pagkakaiba. Ngayong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate, na tumutukoy sa pagtaas ng presyo ng mga produkto sa merkado, ay nasa 0.8 porsiyento lamang. Ito ang pinakamamabang tala ng pagtaas sa nakalipas na tatlong taon.
Mabigat na pagsubok ang pinagdaanan ng maraming Pilipino noong nakaraang taon, nang magsimulang tumaas ang presyo ng mga bilihin noong Pebrero, 2018, na isinisisi ng pamahalaan sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis. Gayunman, kasabay nito ang pagpapatupad ng bagong buwis ng TRAIN 1, kabilang ang pagpapataw ng P2 taripa sa kada litro ng inaangkat na diesel. Ang kombinasyong ito—dagdag pa ang manipulasyon sa presyo—ang nagpasimula ng pagtaas ng presyo.
Pagpatak ng Hunyo, higit pang umangat ang inflation rate sa 5.2 porsiyento. Buwan ng Hulyo, nadagdagan pa ito sa 5.7 porsiyento. Hanggang sa umabot ito sa of 6.7 porsiyento noong Setyembre, ang pinakamataas sa nakalipas na sampung taon.
Sa pagpapatupad ng rice tariffication law, na nagtatanggal sa lahat ng restriksyon sa pag-aangkat bigas, bumaha ng mga imported na bigas sa bansa—ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino—at dito na unti-unting humupa ang inflation.
Ito ay noong 2018. Ngayong taon ng 2019, tuluyan nang bumaba ang presyo ng mga bilihin sa merkado at nagpapatuloy ito. Naitala ang 0.9 porsiyentong index para sa pagkain at mga inuming hindi alak noong 2018. Bumaba ang transport index sa 1.7 porsiyento. Mababa rin ang index para sa pabahay, tubig, kuryente at iba pang petrolyo sa 0.6 porsiyento. Bumaba rin ang index para sa furnishings at household equipment and maintenance sa 2.7 porsiyento. Mababa rin sa 2.9 porsiyento ang para sa kalusugan, restaurant, at miscellaneous goods and services.
May pagtaas namang naitala sa inflation para sa mga inuming alak at produktong tobacco, sa 16.5 percent—ngunit inaasahan na ito dahil na rin sa pagtaas sa buwis na ipinataw sa mga ganitong produkto.
Ngunit ang kabuuang inflation rate ang mahalaga-- 0.8 porsiyento noong Oktobre, 2019. Kung ikukumpara sa 6.7 porsiyento, na naitala noong October, 2018.
Mayroong iba pang suliranin sa ating bansa ngayong taon—nariyan ang kakulangan ng tubig, pagtaas ng kaso ng polio, tigdas, at dengue sa bansa dulot ng malaking pagbaba ng tala sa vaccination, at kamakailan lamang, ang naganap na magkasunod na lindol sa Mindanao. Ngunit hindi tulad ng pananalasa ng problema sa inflation—ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado.
Habang patuloy tayong pumapasok sa panahon ng Kapaskuhan sa Disyembre, maaaring magkaroon ng ilang mga pagtaas ng presyo dulot ng holiday, ngunit dapat tayong magpasalamat na naging mabuti ang taong ito para sa mga consumer at kabilang tayong lahat dito.