SA wakas, nagbigay na rin ang DZMM radio host at concert producer na si Jobert Sucaldito ng detalyadong kuwento sa nangyaring pagwo-walkout ni Morissette Amon sa concert ng singer na si Kiel Alo sa Music Museum noong Wednesday, November 6. Iginiit ni Jobert, na napaka-unfair ang ginawang pagwo-walk-out ng singer sa kanilang show. Nasaktan daw sila sa inasal ng singer.

Morissette

Sa kuwento nito: “Masakit man sa loob ko to tell you the real story dahil sobrang mahal ko si Ms. Morissette pero kailangan kong sabihin ang totoo,” bungad ni katotong Jobert.

“Nakiusap ako kay David Cosico, ang business manager ni Morissette na mai-guest ito sa birthday show ng alaga kong si Kiel, and I thought everything was just fine. Nag-rehearse pa sila with our musical director (Butch Miraflor) that afternoon and so on and so forth.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

“To cut the story short, some 15 minutes before the 9 p.m. concert, dumating ang imbitado kong si kaibigang Mario Dumaual ng TV Patrol para i-cover ang show and everything happened so fast. Ininterbyu niya nang sabay sina Morissette and Kiel and they exchanged pleasantries sa short chikahan with Mario.

“Part of the question ni Mario ay ang tungkol sa love life niya pero very casual na hindi naman bombarding at sinagot naman niya nang maayos. Then sabi nga ni Mario, sana raw ay magkaayos na sila ng family niya and Morissette said na, ‘I’m praying po na maayos din ang lahat in time,’ and basically wala na.

“In short, hindi naman masama ang pagtanong ni Mario—very decent, clean and simple.

“Then nag-start na ang concert namin. Ang portion ni Morissette kasi ay sa dulo—two spot numbers and a beautiful duet with Kiel na ni-rehearse nga nila that afternoon with our musical director.

“Lumapit sa akin si David at nagri-request na baka raw puwede naming ilagay sa first part si Morissette kasi tatakbo pa siya sa birthday party ng best friend daw nitong si Moira. In-explain ko kay David na mahihirapan kaming gawin ito dahil naka-sequence ang program namin. Tsaka, we have to admit na si Morissette ang star guest namin along with our veterans na sina Tito Jun Polistico and Ms. Eva Eugenio.

“Finally ay naging okay naman. A few minutes after, mga third song na ni Kiel ay biglang hinila ako ni David sa labas ng theater at meron daw siyang malaking problema.

Sabi niya sa akin, “’Hindi kayang kumanta ni Morissette, tito. Mugtung-mugto na ang mata sa kaiiyak. She’s so devastated.’

“I asked why? “She felt so attacked daw sa ambush interview ni Mario sa kaniya,” aniya pa.

“I told him that I was there nung ininterbyu ni Mario sina Morissette and Kiel and wala naman akong napansin na mali sa interbyuhang yon. In short, ang pakiusap ni David ay kailangang umuwi raw ni Morissette dahil sobrang sama ng loob at pakiramdam nito.

“After a while ay nakita ko si Morissette sa backstage na humahagulgol at inuuntog ang ulo sa dingding. Na-shock ako dahil paulit-ulit niyang nuuntog ang kaniyang ulo. What’s wrong with this girl? Kaloka!

“I asked David kung what’s the best thing to do. I gave him options -- kahit isa na lang ang kantahin ni Morissette ’kako at manghingi na lang ng apology sa audience dahil masama ang pakiramdam niya. David said na hindi raw talaga kaya. Ibabalik na lang daw nila ang ibinigay kong honorarium.

“Sabi ko, it’s not even about the honorarium—ang sa akin lang ’kako ay we have to save our faces to our audience. May mga bumili ng tickets dahil excited silang mapanood si Morissette sa show with Kiel.

“Nagbigay pa ako another option—kung hindi talaga ’kako makakakanta si Morissette, pumasok na lang siya sa stage and mag-apologize to the audience. Hindi rin daw puwede.

“’Ako na lang aakyat sa stage tito at mag-a-apologize sa audience, tito,’ David suggested. Umokay pa rin ako kasi wala naman na akong choice pero dapat katabi niya ’kako si Morissette para makita ng mga tao na dumating nga siya sa Music Museum dahil kung siya (David) lang ang makikita ng tao sa stage ay useless iyon dahil hindi naman siya kilala ng public.

“Ayoko ’kakong isipin ng audience and sponsors ko na niloko namin sila—na ginamit ko lang ang name ni Morissette para makabenta. Hindi kami ganoon. And you know ’kako, lahat naman tayo ay may kanya-kanyang mabibigat na problema pero pag committed tayo, the show must go on. Mabait pa nga ako dahil kung iba iyon hindi talaga papayag.

“I advised David na after ng isang production number ay magbu-voice over ako backstage to introduce David and Morissette para sa kanilang emergency announcement and apologies. Ang ending, napilitan tuloy akong lumabas sa stage and started to apologize sa audience telling them na for some emergency health reasons ay di nga makakakanta si Morissette—walang lumalabas na boses sa kanya and tinawag ko na silang dalawa.

“Si David lang ang lumabas sa stage at nag-apologize. Nakiusap akong ipakita si Morissette sa tao—kahit sa gilid lang ng stage para di sila magalit siyempre sa akin—hayun at nakitang humahangos si Morissette papalabas sa venue sa gilid na galit ang mukha.

“Nakuhanan nga siya ni Maine Nieto ng video na tumatakbo papalabas. Tumayo si Mama Daisy Romualdez sa kanyang kinauupuan at nagalit and said at the top of her voice, ‘Bakit ganyan siya, Jobert? Bakit ka niya ginaganoon?’

“The venue was 80% full, can you imagine? Masakit on my part, sobra kasing mahal na mahal ang batang ’yan. She’s my darling baby sa music industry pero bakit niya ito nagawa sa akin? What have I done to her to deserve this?

“Hindi madali ang mag-organize ng event—hindi biro ang mag-conceptualize to give them nice exposures. Mahirap po magbenta ng tickets—baka akala nila madali. We work so hard para makapagtawid ng kahit maliit pero matinong show.

Hindi man lang kami iginalang ni Morissette—nabastos niya kaming lahat with this. Saan ang paggalang niya sa mga seniors ng show and most of all, to the audience na kahit sobrang traffic ay dumating para mapanood sila.

“Anong ginawa mo Morissette? Papaano mo mari-redeem ang sarili mo with this self-destruction?

“With what you did Morissette, sana may kumuha pa ng serbisyo mo. Nakakatakot ka palang kunin for shows dahil pag nag-tantrum ka, basta ka na lang aayaw on the spot. That’s not fair— grossly unfair,” huling pahayag ni Jobert.

-ADOR V. SALUTA