LARGA NA!
Ni Edwin Rollon
KAGYAT na tumugon ang mga managers, matchmakers at promoters sa panawagan ng Games and Amusement Board (GAB) na mapunan – sa lalong medaling panahon – ang limang bakanteng Philippine championship titles.
Pag-aagawan nina Ar-ar Andales ng Cavite City at Joel Lino ng Davao City sa 12-round match ang bakanteng minimum-weight title sa Nobyembre 15 sa Mindoro City, habang magtutuos sa 12-round fight sina Chris Paulino ng Rizal at Wilbert Berondo ng Parañaque City sa December 14 para sa bakanteng Super-Flyweight Championship sa The Flash Ballroom, Elorde Sports Center, Sucat, Parañaque City; at nakataya ang bakanteng super featherweight title sa pagitan nina Al Toyogon ng Misamis Oriental at Marbon Bodiongan ng Lipa City.
Samanta, binawi kay Genesis Libranza ang kanyang flyweight title bunsod ng kabiguan na maidepensa ang korona sa takdang panahon matapos masungkit ang tagumpay. Batay sa Article 20 ng Amended Manual Governing Professional Boxing in the Philippines, nakasaad na kailangan madepensahan ng kampeon ang titulo sa loob ng anim na buwan. Nakamit ni Libranza ang titulo noong Oktubre 14 ng nakalipas na taon.
Ipinahayag nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, at Commissioner Mar Masanguid at Ed Trinidad ang pasasalamat sa naging tugon ng boxing promoters na gawin ang Philippine Championship upang maiwasan ang malaking kakulangan sa boxing rating.
Sa pinakabagong GAB ranking, lima ang kasalukuyang kampeon na sina Giovanni Escaner of Paranaque City as the Philippine (GAB) Bantamweight (118 lbs) Champion, Mark Anthony Geraldo of Valencia City, Bukidnon as Philippine (GAB) Super- Bantamweight (122 lbs) Champion, , Roldan Aldea of Kabankalan City, Negros Occidental as Philippine (GAB) Lightweight (135 lbs) Champion,; Jheritz Chavez of San Pedro, Laguna as the Philippine (GAB) Super Lightweight (140 lbs) Champion, and Jayar Inson of Davao City as the Philippine (GAB) Welterweight (147 lbs) Champion.
Ibinigay naman ng GAB ang ‘Boxer of the Month’ kay Junriel Ramonal bilang pagkilala sa impresibong knockout win kontra Shingo Wake nitong October 11, 2019 in Tokyo, Japan. Bunsod ng panalo, pumasok sa top-25 ranking ang Pinoy sa World Boxing Council (WBC).