HINDI isa, bagkus lahat ng event na nakataya sa soft tennis sa 30th Southeast Asian Games ay target maiuwi ng Philippine Soft Tennis Association (PSTA).

Ito ang kumpiyansang ipoinahayag ni National coach Roel Licayan sa kanyang pagbisita kasama ang mga pamosong players na sina Joseph Arcilla at Bien Zoleta-Manalac sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“We can do it. I know the players can do it,” pahayag ni Licayan.

“There are three events in the SEA Games – women’s singles, women’s doubles and men’s team — and we have very good chances of winning all three of them,” ayon kay Licayan sa weekly public service program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

“If we can’t win all three golds, we will be very disappointed,” aniya sa programa na napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream at ng Light TV sa channel 33.

Ayon kay Licayan, ang matagumpay na pagsagupa ng Filipinos sa nakaraang Asian University Junior Soft Tennis Championships sa Colegio San Agustin indoor courts sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Setyembre ay isa nang indikasyon upang ipakita ang kahandaan ng koponan tungo sa pinakamimithing gintong medalya sa kada dalawang taong SEA Games.

Sa AUSTC, hinablot ng Filipinos ang limang bronze medals, tatlo kay Princess Catindig sa female division at dalawa kay Mark Alcoseba at sa team event sa men’s category. Ang AUSTC ay test event para sa SEA Games.

“Yung ibang tinalo natin dun, kasali din sa SEA Games,” paliwabag ni Licayan.

Sinabi naman nina Arcilla at Zoleta-Manalac na handa ang buong koponan sa kabila ng pressure na maglaro sa harap ng mga kababayan.

“Actually, soft tennis is a lot harder to play than lawn tennis. Mas challenging,” ayon kay Arcilla, nakababatang kapatid ni tennis superstar Johnny Arcilla.

Sa panig ni Zoleta, determibado siyang maisukbit ang gold sa doubles event kasama ang kapatid na si Bambi Zoleta.

“We’ll do our best. God willing, baka mag gold-silver pa tayo sa singles” diin ni Zoleta, bronze medalist sa 2015 World Soft Tennis Championship at Asian Championship noong 2016.

“We’re confident about our chances,” sambit pa ni Zoleta, abg produkto ng highly-successful Children’s Tennis Workshop. Bilang host nation, naniniwala ang mga opisyal na maalpasan natin ang one-silver, five-bronze medal haul nang ang soft tennis ay hulibg humataw sa SEA Games sa Indonesia noong 2011.