INAASAHANG nasa 500 vegetables farmer sa lungsod ng Daraga, Albay ang makikinabang sa P12.2-million “Gulayan Project,” isang magkatuwang na proyekto ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng lokal na pamahalaan, mula ngayong buwan.

Sa pagbabahagi ni Mayor Victor Perete sa Philippine News Agency (PNA) nitong Miyerkules, sinabi nitong pinili ang mga benepisyaryo ng municipal agriculture office mula sa iba’t ibang barangay at ipinasa ng kani-kanilang mga barangay captain.

Ang “Gulayan Project” na kilala rin bilang Enhanced Agricultural Production and Marketing project sa ilalim ng “Kabuhayan” ng DOLE, na ipinakilala sa mga lokal na barangay upang mapataas ang lokal na produksyon ng gulay at makatugon sa merkado.

“Prior to this project, the local vegetable production were being supplied to groceries here in Daraga and in Legazpi. We already have assured markets and what we need is to increase production and also provide local farmers additional assistance such as planting seeds and fertilizer,” ani Perete.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng proyekto ang mga nangangailangan ng pag-unlad ngunit hindi kayang matugunan ang probisyon sa basic input.

Upang mailabas ang magandang kalidad ng agricultural na produkto, lalo na ang mga gulay, ang proyekto ay maaaring mag-suplay ng pinakamainam na agricultural inputs upang maumpisahan ang “normal production activity.” Kabilang sa mga input na ito ang mga kagamitan sa pagsasaka, makinarya, binhi o gamit sa pagtatanim, pataba, gamit pansaka at iba pang kagamitan.

Naniniwala si Perete, na mataas ang potensiyal ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng kalagayan ng ekonomiya sa mga komunidad tungo sa isang matatag na suplay ng pagkain.

“The local government unit will provide technical and input support to farmers, that is why the Gulayan Project shall be the prime mover in giving enough input to different barangays in Daraga to provide a sustainable livelihood to the marginalized community,”dagdag pa niya.

Iniiimplementa ng DOLE at ng lokal na pamahalaan ang “Gulayan Project” sa pagkikipagtulungan sa Team Albay Youth Organization (TAYO), isang civil society organization at LCC Malls, isang local business chain sa Bicol.

PNA