NABIGO man sa laban, naipakita ni Pinoy world champion Nonito ‘The Flash’ Donaire sa mundo ang tunay na kahulugan ng katapangan.

SAPOL! Nabigwasan ni Pinoy world champion Nonito ‘The Flash’ Donaire ang karibal na si Naoya Inoue ng Japan sa kainitan ng ikaanim na round. Nakalusot ang undefeated Japanese via unanimous decision para makamit ang WBA super bantamweight title nitong Huwebes (Biyernes sa Manila). (photo: Naoki Fukuda)

SAPOL! Nabigwasan ni Pinoy world champion Nonito ‘The Flash’ Donaire ang karibal na si Naoya Inoue ng Japan sa kainitan ng ikaanim na round. Nakalusot ang undefeated Japanese via unanimous decision para makamit ang WBA super bantamweight title nitong Huwebes (Biyernes sa Manila). (photo: Naoki Fukuda)

Sa harap ng 20,000 local fans at laban sa mas bata at pamosong karibal na si Japanese Naoya Inoue, nakihamok at nakipagsabayan ang 37-anyos na si Donaire sa kabuuan ng laban at tunay na pinagpawisan ng karibal ang laban para makuha ang unanimous decision win para sa WBA super bantamweight title nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Saitama Super Arena sa Tokyo, Japan.

Sa edad na 26, at tangan ang seven-fight knockout win streak, liyamado si Inoue, ngunit wala sa hinagap na matatapos ang laban na nakatindig at sumusuntok ang kanyang Pinoy rival.

Sa statistics, lutang ang bentahe ni Inoue na may 227 naipatamang suntok sa kabuuang 628 pinakawalang bigwas para sa 36.1 percent.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Nakapagpakawala si Donaire ng 605 suntok, ngunit 141 lamang angnaipatama para sa mababang 23.3 percent.

Sa power punches, hindi nagkalayo ang stats ng dalawa kung saan tangan ni Inoue ang 39.7 percent sa 116 na napatama sa kabuuang 292.

Nakuha ni Donaire ang 35.9 percent sa naipatamang 99 sa kabuuang 286, tampok ang kanang bigwas sa panga na nagpangalog sa tuhod ng karibal sa ikawalong round.

Kaagad namang tinanggap ni Donaire ang kabiguan at inaming higit na mas mahusay na fighter si Inoue sa gabi ng laban.

“First of all, I want to thank God for keeping me safe in that ring. My guardian angels for holding that shield up, that armor as strong as they could. To Ringstar Sports Richard Schaefer for believing me so much to get me into this tournament. You truly have had my back through this all and appreciate you. To Mr. Honda, Teiken, the hospitality you have shown to me, my family and team has been amazing,” pahayag ni Donaire sa kanyang mensahe sa Facebook account.

“I am a warrior on my shield. I came to Japan to take the Muhammad Ali trophy. I promised my sons they would see it in the morning. And with tears in my eyes, I humbly asked Inoue to borrow it for a night, not for me but for my word. It’ll be a life lesson my boys will soon learn. That you do your best and you come short. You will win. You will lose. But in either aspect you will do so graciously,” sambit ni Donaire, nakasalba sa 11th round knockout nang paliguan ng kombinasyon ni Inoue sa katawan.

Sa kabila ng hirap na dinanas sa kamay ng tinaguriang ‘Monster’, nagpakatatag si Donaire para tapusin ang laban na nakatindig.

“It’ll pain them to see my face. They’ll kiss my wounds. They’ll see a trophy we don’t get to take home and understand what it means to want to train harder. And I told about the battle I fought. That I’d rather put my life on that sheild than give up. And that we will ALWAYS fight,” pahayag ni Donaire, patungkol sa madamdaming pahayag ng kanyang pamilya na kasama niyang nagtungo dito.

-Nick Giongco