ALIW ang brother ni Matteo Guidicelli na si Paolo dahil ibinuking na one year nang engaged ang kuya niya at si Sarah Geronimo. Nasa IG Story ni Paolo ang post na “They were engaged for about a year now, It was just a secret” at “Nobody found out, Hahaha.”

Sa pambubuking ng bagets, napatunayang tama ang tsismis last year pa na engaged na ang dalawa. Iyun din siguro ang rason kung bakit pinapayagan na si Sarah ng parents niya na sumama kay Matteo mag-travel.

Wala pang sinasabi kung kailan ang kasal nina Matteo at Sarah, busy pa ang dalawa sa projects nila. Si Matteo gagawin ang Pedro Penduko sa Viva Films at si Sarah, nabalitang gagawa ng movie with Daniel Padilla.

-NITZ MIRALLES
Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose