Angsaya ng mediacon ng number one and longest running gag show na Bubble Gang. Taping day nila ang Monday, kaya naman minabuting isabay ang mediacon para sa kanilang two-part 24th anniversary presentation. Sa pangunguna ni Michael V, hindi pa kumpleto ang buong cast na dumalo dahil iyong iba ay nagti-take pa ng eksena nila.

Michael V BG 25th

“The ScAvengers” ang title ng kanilang episode, na spoof ng special movie franchise na The Avengers. Sa trailer pa lamang hahangaan mo na ang big production na ito.

“Sa totoo lang, medyo baliw at ambisyoso ang project naming ito,” sabi ni Bitoy. “Gusto lamang namin laro ang ipakikita namin sa mga televiewers, pero larong magugustuhan nila dahil may quality. Visual treat namin ito sa patuloy na sumusubaybay sa amin. First time itong ginawa sa television.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Matagal na naming gustong gumawa ng spoof ng isang superhero movie, dahil nga mga millennials na ang karamihan sa mga viewers namin. Kaya ang naisip naming gawin spoof ng The Avengers at pinangalanan naming “The ScAvengers.”

Ang story nito ay tungkol sa isang outcast group of homeless people na nangangalakal para sila mabuhay. May mga extraordinary scraps silang napulot na hindi nila alam ay nagtataglay ng superpowers na nagta-transform them from outcasts to their barangay’s greatest superheroes na tinawag nilang “The ScAvengers.”

Mula sa creative heads nina Chito Francisco at Caesar Cosme, directed by Bert de Leon at special guest director si Rico Gutierrez na sabi ni Direk Bert ay siya raw nagdirek ng mga actions scenes. Ang first part ay mapapanood sa November 15 at and second part ay sa November 22. May special guest performer sila ang Hawaiian-Pinoy born actor na si Jacob Batalon.

-NORA V. CALDERON