NAGBIGAY ng kahandaan si Philippines' chess wizard Bonjoure Fille Suyamin sa nalalapit na Lee-Ann Fidaire Inter School Rapid Chess Championship kiddies 12 years old and below tournament sa Disyembre 15 (Linggo) na gaganapin sa second floor Open Kitchen Airconditioned food hall, Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills, Greenfields District sa Mandaluyong City.
" I hope to do well in the upcoming Lee-Ann Fidaire Inter School Rapid Chess Championship kiddies 12 years old and below tournament," sabi ng 9 anyos na si Suyamin na grade 4 pupil ng Del Rosario Christian Institute sa General Trias City, Cavite.
Si Suyamin ay sariwa pa sa 1st runner-finish sa girls 10 and under class ng 2nd Pattaya Chess Open 2019 age group chess championship na ginanap sa Bay Beach Resort sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre 19 hanggang 23.
Ang iba pang miyembro ng PH General Trias City chess team na nagwagi ay sina Geraldine Mae Camarines na 1st runner-up place din sa girls 12 and under class , Relghie Columna na 4th overall sa Under 12 division at Yanie Ayesha Estavillo na 5th place naman sa girls 8 and under class na suportado nina General Trias City, Cavite congressman Luis ''Jon Jon'' Alandy Ferrer IV, PH delegation head coach Ederwin Estavillo, Del Rosario Christian Institute Foundation Inc. Chairman/President Arnel Beltran Del Rosario, NCFP deputy secretary-general/executive director Red Dumuk at ng Philippine Sports Commission.
Libre ang pagpapatala sa Lee-Ann Fidaire Inter School Rapid Chess Championship kiddies 12 years old and below tournament kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng P5,000, tropeo at medalya at hanggang top 20 ang prizes na inilatag at sinuportahan mismo ng ina ni Lee-Ann na si Woman National Master Cristina Santos Fidaire, miyembro ng 1988 Thessaloniki, Greece World Chess Olympiad.
Para sa mga nagnanais na makiisa tumawag sa sa mobile number: +63 926 251 4205.