NAGPAKITA ng suporta ang mga miyembro ng House Committee on Youth and Sports Development sa Philippine Sports Commission (PSC) nang bisitahin ang ginagawang kontruskyon ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila kahapon.
Ikinasiya ni PSC chiamran William “Butch” Ramirez ang pagbisita nina Chairperson Eric Martinez, kasama sina Representative Faustino Michael Carlos T. Dy III sa 5th District ng Isabela, Rep. Strike Revilla buhat sa 2nd District ng Cavite, Hon. John Rey Tiangco buhat sa distrito kaisa-isang ng Navotas City at Hon. Jose Teves Jr buhat sa Talino at Galing ng Pinoy (TGP) Party-list.
“It’s a good sign that we really value this historical landmark of Philippine sports known as the Rizal Memorial Sports Complex. We welcome our Congressmen, this is your home...” pahayag ni Chairman Ramirez.
Mismong ang loob ng Rizal Memorial Coliseum ang binisita ng mga Kongresista na siyang magiging venue ng gymnastics gayundin ang Ninoy Aquino Stadium pati na ang RMSC Football Stadium at ang Tennis Center.
Positibong pahayag naman ang ibinigay ni Martinez kay PSC chairman Ramirez sa kanyang nakitang kaibahan sa ginagawang venue.
“Thank you Chairman Ramirez for hosting us. Nandito po ako noong 1991 (SEA Games) closing ceremony, malayong-malayo na. This will be the most prepared in terms of facilities and icing on the cake will be the overall championship. Kaya tulong-tulong po tayo para sa ating mga atletang Pilipino,” ayon kay Martinez.
“Tandaan po natin na 1935 pa nagkaroon ng major facelift itong Complex na ito. It took us 80+ years to see massive improvement and hopefully this would be the dawning of a new era in sports, the renaissance of the country as the Powerhouse in Sports,” aniya.
Nagbigay naman ng kanyang pagbati sina Rep Revilla, Dy, Tiangco at Teves kay Ramirez sa magandang trabaho na ipinapakita nito sa nasabing ahensiya ng gobyerno.
“I would like to congratulate the PSC, nakakatuwa. Although nakikita natin na malaking challenge pa rin itong ginagawa natin ngayon, naniniwala naman ako na kakayanin natin ito,” ani Revilla.
“Natutuwa po tayo na nakikita nating world-class facilities itong pinapagawa natin. Aside from hosting, gusto nating manalo yung Pilipinas. Aside from dun sa manalo yung country po natin, sana ay maging inspiration sa mga kabataang mga manunuod po rito, eventually sila yung mga maglalaro at maging representative ng ating bansa.” ayon kay Rep. Tiangco.
“Nagpapasalamat po tayo kay Chairman Ramirez sa pagpapaikot samin sa historic venue ng Philippine Sports. 1935 pa po itong facility na ito at buti po na-preserved po ng maganda at maayos for the future generations of athletes. Para ma-inspire po sila to work harder and to aim for gold for our country.” pahayag naman ni Hon. Dy III.
“Thank you everyone, thank you Mr. Chairman Ramirez. Alam nyo, napakasarap tingnan, kapag ang pera ng gobyerno ay napupunta sa ganitong mga project. Ito po ay nagpapakita lamang ng isang magaling na lider kaya wala na tayong masasabi. Hindi masasayang ang pagbibigay ng pondo ng Kongreso sa PSC. Kaya sa lahat, go go go as one!” sabi ni Hon. Teves Jr.
Kasabay nito ay hinikayat din ni Chairperson Martinez ang media upang maging malaking tulong kay President Rodrigo Duterte, sa PSC at sa Kongreso upang mas lalo pang ilapit ang mga kabataan sa karangan ng sports.
“Kaya po itong Southeast Asian Games, mahalaga samin sa Kongreso. Kaya kayo as media practitioners, hikayatin po natin ang mga kabataan na pumunta sa mga venues para sa interes nila. Siguro yun ang pinakamagandang maitutulong natin, awareness sa kabataan,” ani Martinez . “Marami pang (Lydia) De Vega, (Elma) Muros, (Isidro) del Prado, Teofilo Yldefonso na nandyan, kaya lang hindi natin sila nabibigyan ng pagkakataon,” dagdag pa niya.
Bubuksn ang Rizal Memorial Coliseum ngayong darating na November 15, habang ang Ninoy Aquino stadium ay matatapos sa November 21, bago ang mismong opening ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30.
-Annie Abad