CHICAGO (AP) — Sa ikatlong sunod na laro, nagsalansan ng triple-double si LeBron James.

(RIO DELUVIO)
Kumabig ang three-time MVP ng 30 puntos, 11 assists at 10 rebounds para sandigan ang Los Angeles Lakers sa mahinang Chicago Bulls, 118-112, nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).
Naghabol ang Lakers sa pinakamalaking bentahe ng Bulls sa 19 puntos sa naibabang 16-0 run sa final period.
Nagningning din sina Kyle Kuzma, Quinn Cook at Dwight Howard sa krusyal na sandali. Umiskor si Kuzma ng 11 sa kabuuang 15 puntos sa fourth period, nabutata ni Howard si Coby White at nagsalpak ng three-pointer si Cook para agawin ang kalamangan sa 93-94 may 8:53 sa fourth period.
Tumapos si Cook na may 17 puntos, habang umiskor si Anthony Davis ng 15 puntos at pitong rebounds.
Nanguna sa Chicago (1-5) si Zach LaVine na may 26 puntos, habang tumipa si Otto Porter Jr. ng 18 puntos at umiskor si Wendell Carter Jr. ng 11 puntos at 11 rebounds.
HAWKS 108, SPURS 100
Sa Atlanta, hataw si Trae Young sa naiskor na 28 puntos ng kabuuang 29 sa second half, at kumabig si Jabari Parker ng 19 puntos para tuldukan ang three-game losing streak sa panalo kontra San Antonio Spurs.
Naisalba ni Young, galing sa right angkle sprain, ang pagkawala ng nasuspindeng si John Collins, sa kanyang kahanga-hangang all-around game.
Sinuspinde ng NBA si Collins ng 25 laro na walang bayaw matapos lumabag sa anti-drug program ng liga nang magpositibo sa growth hormone.
Nanguna si DeMar DeRozan sa Spurs na may 22 puntos, habang tumipa si Bryn Forbes ng 17 puntos at tumipa si Patty Mills ng 16 sa Spurs, nabigo sa ikatlong pagkakataon sa huling apat na laro.
HORNETS 122, PACERS 120 (OT)
Sa Charlotte, naitala ni Devonte Graham ang career-high 35 puntos, habang pinagalab ni Bismack Biyombo ang opensa ng Hornets sa fourth period para mailusot ang come-from-behind win.
Naghabol ang Hornets sa 14 puntos na bentahe sa final period.
Naisalpak ni Graham ang dalawa sa tatlong free throw na ibinigay may 1.7 segundo ang nalalabi sa overtime mula sa foul ni JaKarr Sampson, tungo sa ikatlong sunod na panalo ng Hornets.
Nag-ambag si Terry Rozier ng 22 puntos at kumana si Miles Bridges ng 18 puntos para sa Hornets (4-3).
Ratsada sa Pacers (3-4) si T.J. Warren na may 33 puntos mula sa 15-of-18 shooting, habang kumana si Malcolm Brogdon ng 31 puntos.
Tumapos si Biyombo na may 15 puntos, anim na rebounds at dalawang blocks.
Samantala, napantayan ni Gordon Hayward ang career high 39 puntos sa 119-113 panalo ng Boston Celtics kontra Cleveland Cavaliers.
Collins ng Hawks, sabit sa droga
Sa Atlanta, ipinahayag ng NBA na sinuspinde ng 25 laro na walang bayaw si Atlanta Hawks forward John Collins bunsod nang paglabag sa Anti-Drug Program ng liga matapos magpositibo sa ‘growth hormone’.
Nagpositibo ang 22-anyos na si Collins sa Peptide-2. Siya ang leading rebounder at second-leading scorer ng Hawks.
Si Collins ang ikatlong player na pinatawan ng 25-game suspensions for drug violations ngayong season.
Nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), sinuspinde si Phoenix Suns center Deandre Ayton na nagpositibo sa diuretic.
Nitong August 29, nasuspinde rin si Brooklyn Nets forward Wilson Chandler na nagpositibo sa Ipamorelin, isang uri ng gamit na nagpapataas sa paglabas ng growth hormone.
Nagsimula ang suspensyon ni Collins nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) laban sa Sam Antonio. Tangan ng 6-foot-9 forward ang averaged 17 puntos at 8.8 rebounds per game.
“On behalf of the entire Hawks organization, we are disappointed to learn that John put himself in an unfortunate situation and violated the league’s anti-drug policy. We hold ourselves and each of our players to a high standard, and we are committed to supporting John as he learns from this setback and continues to grow as both a player and a person. Head Coach Lloyd Pierce and I have both talked to him and we believe that he is truly remorseful for his actions. We will provide John with support on and off the court while we look forward to his return to the team” pahayag ni Hawks President of Basketball Operations Travis Schlenk: