KUMPIYANSA si Fil-Am puncher Nonito Donaire sa resulta ng kanyang laban kay Japanese star Naoya ‘Monster’ Inoue para sa IBF World Bantamweight supremacy sa Tokyo, Japan.

PUMORMA sa harap ng media sina Filipino-American world champion Nonito “The Flash’ Donaire (kanan) at Japanese Naoya Inoue sa ginanap na press conference para sa kanilang duwelo sa Tokyo’s Grand Palace Hotel.

PUMORMA sa harap ng media sina Filipino-American world champion Nonito “The Flash’ Donaire (kanan) at Japanese Naoya Inoue sa ginanap na press conference para sa kanilang duwelo sa Tokyo’s Grand Palace Hotel.

Ibinida ni Donaire ang naging pahayag sa ginanap na press conference nitong Martes sa Grand Palace Hotel.

Kung meron mang alalahanin sa four-division world champion, ang katotohanan na isa ring world-class fighter ang Japanese fighter.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I think the difference (with) Naoya, Naoya is a top fighter in the world, in pound-for-pound,” pahayag ni Donaire (40-5 with 26 KOs).

“I’ve fought guys who were the best in their divisions, but not in pound-for-pound like Naoya, which is very exciting for me.”

Ang duwelo nina Donaire at Inoue ang finals para sa World Boxing Super Series, isang torneo para sa pinamatitikas na 118- pounders.

Mas bata si Inoue (18-0 with 16 KOs) kay Donaire ng 10 taon kung kaya’y pabor dito ang pustahan.

May taya ang mga Oddsmakers kay Inoue na -1000 ($1,000 wins $100) habang kay Donaire ay +550 ($100 wins $550).

Inamin naman ni Inoue na mahusay na fighter si Donaire, ngunit panahon para mapalitan siya sa trono.

“He’s one of the fighters I’ve looked up to. I’m honored to be able to fight someone like him in the final, and I would like to make the generational change (by winning).”

Gaganapin ang official weighin sa Miyerkoles (Huwebes sa Manila).