ISA pang foreign student-athlete sa katauhan ni Soulemane Chabi Yo ng University of Santo Tomas ang nagwagi bilang Season 82 Most Valuable Player sa UAAP men’s basketball tournament.

chubi

Nakamit ng Beninese high-leaper ang pangunahing individual honors makaraang pamunuan ang Growling Tigers para makabalik ng Final Four.

Nakatipon si Chabi Yo ng 76 statistical points (SPs) mula sa ipinoste nyang average na 16.9 puntos, 14.7 rebounds at 1.3 assists para maging ikapitong manlalaro mula sa UST na nagwagi ng nasabing award, at una matapos magwagi ni Dylan Ababou noong 2009.

Naging mahigpit nyang katunggali si Ateneo slotman Angelo Kouame, ngunit nalsglag ito sa kontensiyon sa Mythical Team dahil na rin sa panuntunan ng liga na isang foreign player lamang ang puwede sa isang posisyon.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Dahil dito, napabilang sa Mythical ay sina La Salle slotman Justine Baltazar na may 64 SPs ang kakampi nitong si Jamie Malonzo na may 63.23 SPs, si University of the Philippines forward Kobe Paras na may 62.08 SPs at si University of the East guard Rey Suerte na may 60.93 SPs.

Nagwagi naman bilang Rookie of the Year ang teammate ni Chabi Yo na si Mark Nonoy.

Nagtala ang pointguard na tubong La Carlota, Negros Occidental ng 39.29 SPs mula sa average nyang 10.0 puntos, 3.8 boards at 2.3 assists para maging unang Growling Tigers na nagwagi ng award makalipas ang sampung taon mula ng manalo si Jeric Teng noong 2009.

Sa women’s division, nakamit namang muli ni Grace Irebu ang MVP award.

Nakatipon ang Congolese center ng 90 statistical points (SPs)matapos pamunuan ang Tigresses sa pagtapos na no.2 tungo sa stepladder semifinals makaraang magposte ng average na 21.9 puntos, 15.1 rebounds, 1.7 steals at 1.5 blocks.

Nakasama naman nya sa Mythical Team ang pinakamahigpit na karibal na si Mar Prado ng Adamson na nakatipon ng 86 SPs kasunod ang isa pang Lady Falcon na si Kat Araja na may 80.71 SPs.

Ang iba pang miyembro ng Mythical Team ay sina National University forward Jack Animam na may 78.57 SPs at La Salle guard Kent Pastrana na may 67 SPs .

Si Pastrana din na tubong Silay City sa Negros Occidental ang nagwaging Rookie of the Year.

-Marivic Awitan