HINDI lang kampeonato ang asam ng Arceegee Sportswear basketball team.

Higit pa dito,  gusto ni Arceegee team owner-manager Rinbert Galarde na makatulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng sports.

IBINIDA ni Arceegee team owner Rinbert Galarde ang isinusulong na programa, kaisa ang Community Basketball Association (CBA) sa pamumuno ni Carlo Maceda (ikalawa mula sa kanan) para sa mga batang nangangarap maging basketball star.

IBINIDA ni Arceegee team owner Rinbert Galarde ang isinusulong na programa, kaisa ang Community Basketball Association (CBA) sa pamumuno ni Carlo Maceda (ikalawa mula sa kanan) para sa mga batang nangangarap maging basketball star.

"Bago pa man pumasok ang Arceegee sa sports, alam na namin kaagad ang aming  layunin na makatulong sa mga kabataan,  lalo na sa mga  out-of-school youth,"  pahayag ni Galarde sa kanilang pagdalo sa weekly TOPS "Usapang Sports" sa National Press Club sa Intramuros.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Madaming magagaling na players sa atin na kailangan lamang na mabigyan ng tamang break. Yung makatulong tayo sa kanila ay malaking bagay na," dagdag pa ni Galarde sa linguhang forum na itinataguyod din ng Philippine Sports Commission,  National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Kasamang dumalo ni Galarde sina  Arceegee coach Ricky Ricafuente at mga players na sina Jetro Villanueva, Kristan Amurao, Raphael Flores at Romie Rodriguez, na nagwagi sa nakalipas na Milcu GotSkills basketball tournament.

"Malaki ang potensyal ng mga players namin ngayon. Sa tamang patnubay malayo ang mararating ng mga ito," pahayag ni Ricafuente,  na kung ilang ulit na din nag-represent ng bansa sa mga international tournaments bago tuluyang naging coach.

Kapwa naniniwala sina Galarde at Ricafuente na mas madami pang players ang kanilang natutulungan at mas madaming kampeonato ang kanilang masusungkit sa darating na taon.

"Kumpiyansa ako na mas magiging matagumpay ang Arceegee,  na ngayon ay madaming nang natatangap na imbitasyon sa iba't ibang liga," anunsyo pa ni Galarde, na siya ding team owner ng Malabon squad sa CBA 2nd Conference.