SILA lang ang bubble na tumagal ng napakaraming taon, hindi tulad ng iba na naglaho na lang na parang bula.Sa katunayan muling may celebration ang Bubble Gang ng kanilang ika-24 taon sa ere.

Bubble Gang cast

“Abangan n’yo sa November 15 and November 22, parts one and two ng Bubble Gang 24th anniversary presentation, The Scavengers, its a parody and much more,” paanyaya ni Michael V nang humarap sila sa media launch ng inihahanda nilang special episodes.

“Medyo baliw at ambisyosong project ito,” pahayag pa ng lider ng gang.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

“Sa totoo lang, laro lang ‘yong gusto namin and yet gusto namin ipakita na kahit kami naglalaro, ‘yong quality hindi mawawala. So this time around, it’s a visual treat na talagang sa teaser pa lang gugulatin namin kayo.”

Take ng Bubble Gang sa Avengers ang The Scavengers, tungkol sa homeless people na namumulot ng mga basurang bumabagsak mula sa kalawakan.

Matutuklasan nila na may taglay palang superpowers ang mga basura na magta-transform sa kanila upang maging superhero, at tatawagin nga silang The Scavengers.

Misyon nilang biguin ang binabalak ni Allan Peter Kuya Thanos na gagampanan ni Michael V, na gustong puksain ang kalahati ng buong universe kasama ang kanyang mga kakutsaba na sina Valeen Montenegro, Lovely Abella, Arra San Agustin, Jak Roberto at Denise Barbacena. Gaganap naman sina Antonio Aquintania bilang Thorpe/Thor, Paolo Contis as Plantsa Man/Mr. Tonio, Kim Domingo as Black Panty/Tasia, Boy 2 Quizon as Capt. American Tiki Tiki/Esteban, Sef Cadayona as Hukay-Ukay/Boy Pana, Betong Sumaya as Hulkluban/T’yo Bruce, Analyn Barro as Regyula, Achie Alemania as Mang Stan, Mikoy Morales as Squatterman/Pedrito, at Chariz Solomon bilang Gumorah.

Townspeople naman sina Arny Ross, Liezel Lopez, Roadfill, Mykah, at Diego.Sa aming intimate interview, itinanong ko kay Bitoy kung ano ang masasabi niya sa madalas mabanggit na pagiging genius niya.

“Hindi ko feel,” sagot niya. “Parang... ‘pinapatanggal ko nga ‘yon ‘pagka ina-announce ng GMA ‘yong Kapuso comedy shows sa write-ups.

‘Pinapatanggal ko na kasi... hindi... okay sige, for some people siguro they may think okay... genius... but theres always someone smarter, better.”

So, ano ang title na gusto niya?“Alam n’yo bahala na kayo maglagay ng title pero ako ‘di ko na lang iki-claim.”

Napahalakhak si Michael V nang usisain ko kung hindi ba siya nai-insecure na mas marami na ang comedian sa politics.

“Alam mo, isang magandang bet nga ‘yan, eh, na dapat magpalit na lang kami ng trabaho, eh. Kasi ‘yong comedy is a serious business, samantalang ang pulitika sa atin kung minsan parang joke, eh.”

Alam ng lahat na ang malawak na worldview niya at ng mga kasundont creative think tank ang nasa likod ng longevity ng Bubble Gang.

Pero itinanong ko pa rin kung bakit ang programa na lang ng gang niya ang natitira sa lahat ng sitcom at gag show.

“I think it’s the relevance, na kailangan... sinasabi ko nga sa mga interviews, kailangan up to date ka, kailangan kilala mo ang audience mo. And every year nagbabago ang profile ng audience so dapat mag-evolve ka rin at sumabay ka du’n sa times.”

-DINDO M. BALARES