PHOENIX (AP) — Lahat ng koponan ngayong season ay may bahid ng kabiguan.

ng depensa ni Brandon Ingram ng New Orleans Pelicans si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving, ngunit nagawang makaiskor ng one-time NBA champion, sa kanilang laro nitong Lunes (Martes sa Manila). Nagwagi ang Nets, 135-125.
(AP)
Nagsalansan si Devin Booker ng 40 puntos, habang tumipa si Ricky Rubio ng 21 puntos at 10 assists, para sandigan ang Phoenix Suns laban sa Philadelphia 76ers -- dating nalalabing NBA team na walang talo – 114-109 nitong Lunes (Martes sa Manila).
Naitala ng Phoenix (5-2) ang tatlong sunod na panalo at best seven –game start mula noong 2013.
Sa saliw ng hiyawang MVP, MVP!, naitala ni Booker ang 6,003 puntos sa NBA career para tanghaling No.8 na pinakabatang player sa kasaysayan ng NBA na umabot sa 6,000 puntos. Sa edad na 23-anyos, ang fifth-year guard ay tumapos ng 5 of 19 mula sa field, kabilang ang 3 of 4 sa 3-point range, at 7 of 7 sa free throws.
Naglaro na wala ang suspendidiong si Joel Embiid, pinangunahan ang Sixers (5-1) ni Al Horford na may 32 puntos, tampoka ng career high na limang 3-pointers, habang kumana sina Tobias Harris ng 24 puntos at Furkan Korkmaz na may 20 puntos.
BUCKS 134, WOLVES 106
Sa Minneapolis, hataw si Giannis Antetokounmpo sa naiskor na 34 puntos at 15 rebounds, sa panalo laban sa Minnesota Timberwolves. Naitala ni Antetokounmpo ang double-double sa nakalipas na pitong laro ngayong season.
Nag-ambag si Khris Middleton ng 26 puntos, habang kumana si Eric Bledsoe ng season best 22 puntos, siyam na rebounds at anim na assists.
Nanguna si Andrew Wiggins sa Timberwolves na may 25 puntos, ngunit ang suspensyon ni star center Karl-Anthony Towns ang dagok sa Minnesotta.
Naitala ni Donte DiVincenzo ang season-best 17 puntos mula sa bench para sa Milwaukee.
ROCKETS 107, GRIZZLIES 100
Sa Memphis, Tenn., nakabawi ang Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may 44 puntos, nang pabagsakin ang Memphis Grizzlies.
Binalikat ni Harden ang opensa ng Rockets, naglaro na wala si Russell Westbrook (rest) sa kanyang naitalang 12 of 28 sa field, kabilang ang 7 of 16 sa 3-point range, 10 rebounds at anim na assists.
Kumabig si Eric Gordon na may 16 puntos, habang tumipa sina Danuel House Jr. ng 15 puntos at Clint Capela na may 10 puntos at 13 rebounds.
Ratsada sa Memphis si rookie Ja Morant na may 23 puntos at anim na assists, samantalang kumana sina Dillon Brooks ng 17 puntos at Jonas Valanciunas na may 10 puntos at 10 rebounds.
Sa iba pang laro, naisalba ng Brooklyn Nets ang career-high 40 puntos ni Brandon Ingram sa New Orleans Pelicans.Kumabig si Kyrie Irving ng 39 puntos at siyam na assists para sa Nets; tinalo ng Washingtom Wizards ang Detroit Pistons, 115-99.